Jul 20, 2006

Sa Aking Pag-iisa

Ewan ko ba kung bakit wala akong nararamdamang kahit na ano sa mga kasama ko rito sa opisina. Kadalasa'y may opinyon na ako agad sa mga kasama ko pero ngayon, dedma lang! Parang wala lang, in need of a job, kaya nandito ako. Masaya na akong mag-isa kumakain ng tanghalian, bumababa or nagtitimpla ng kape mag-isa... Niyayaya nga nila akong magbaon na lang para kasabay ko sila rito, pero di ko naman kaya maghanda ng pagkain sa umaga. Tama na lang iyong oras ng gising ko sa pag-aayos ko ng sarili. Niyayakag din ako ng iba rito na sumabay sa kanila kumain sa labas, ayaw ko naman. Ewan ko ba at masaya na akong mag-isa. Parang feeling ko extra effort pa na makipagkuwentuhan gayung gutom na ako. Ilang linggo na akong ganito. Parang masama na nga at nagugustuhan ko ang pag-iisa.

Marahil wala lang akong maispatan na katangi-tanging maging kaibigan dito.

*****
May napanood akong episode ng Oprah kagabi. Ang kanilang tinatalakay ang iyong ugali ng mga lalaki. Bakit daw ang mga lalaki ay...
1. mahilig pumasok sa mga strip clubs
2. mahilig mag-golf
3. mahilig mandaya ng asawa o nobya

Ang sa akin naman, mahirap intindihin ang lalaki. Tulad na rin lang na mahirap intindihin ang mga babae para sa kanila. Ginawa tayong ganito ng Diyos para magkaiba. May nagtanong na bakit nambababae ang mga lalaki kahit na may asawa o nobya na sila? Tinatanong pa ba iyon?!? Minsan, libog ng katawan. Minsan, mas mabait at maalaga iyong isa. Minsan, trip o yabang lang. Minsan, tinamaan talaga. May mga babae rin namang nandaraya. Mas mataas nga lang siguro ang porsyento ng mga lalaking nandaraya.

Ang punto ko rito, iba't iba ang ugali ng tao, mapa-babae o lalaki man. May kanya-kanya ring dahilan kung bakit ginagawa ng isang tao ang mga bagay-bagay. Walang iisang rason. Tulad na lang ng kagustuhan kong mapag-isa.

Teka, bakit ko ba ito nasulat? Wala lang. Napaaga tapos ng tanghalian ko e ;-)

4 comments:

Devilicious said...

Yeah.. sobrang iba talaga lahat. and there's no possible way one could completely understand another.

we all live by our own choice. Tulad mo..na pinili mong mpagisa.. tulad ko din na kapawa ko babae ang makasama sa buhay..

Mahirap intindihin..pero ganun talaga.

Jigs said...

Galing ng post! Nice thoughts! We cant always generalize on something. Dyan nabubuo ang stereotypes! :)

melai said...

naalala ko nung minsan yung komento ni sis sa kin .." di ka naman anti-social niyan?" isang araw iyon na sinabi kong uuwi na ako at ayaw kong makipag-usap sa iba pang pinay dito

sasha said...

hahaha

naku melai, ganyang-ganyan din ang sinasabi sa akin ng sis ko sa tuwing ako'y magkukuwento!

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile