Nov 30, 2006

My Babies...

People ask me if the kid I'm carrying in my YM pic is my kid. How I wish! But, she's not. Next year pa ang kid ko. No donors yet, hahaha! Seriously, when I reach 35 pa. I need my 5 years of freedom before a baby.

She's our neighbor's kid but she's always at home because she thinks my dad is her dad. Hehehe! She's closer to dad than her biological father. She has a stash of clothes at home. Shoes, slippers, powder, accessories, baby foods... you name it! Kulang na lang yung crib niya. She's the baby of the house so all our attention is on her. Kaya, every payday, may pasalubong kami sa kanya!

We love this kid so much! She's given us so much fun and laughter, most specially when we're still coping with the loss of my mom. She's God's gift to us. Her name is Hazel, but we call her Etey. Why? Because her brother cannot pronounce her name properly and ends up calling her Etey all the time. Thus, the nickname...

At around 5AM everyday, she knocks on the door and calls out "Dah!", which means "Dad!". Dad will take her from her mom and will take Etey to our room to wake us up. Maaga pa magising sa amin! Hahaha... During the day, she stays with dad and will just be taken by her mom to breastfeed her then back to dad again. She goes home at 8PM kasi sleep na siya by that time. Sobrang babad sa bahay ano? She even calls me up sa office just to say "Te!". Nakakatuwa sobra!

And take note, her pic was inserted in the family photo frame! Mahal sobra ng dad ko! Hahaha!


And my other bebe... the man in my life... kahit pasaway na kasi he's already in the "transitional stage", according to kuya... our bunso...

James has always been the baby in our family. Everyone loves him and babies him. Kaya naman he grew up spoiled. Kasalanan ni ate at ng mommy! Hahaha! And what can we do, we already lost a boy in the family kaya ganun na lang ang love namin kay James. Defensive ako! Hehe

Almost a year after he was born, dad went abroad to work. My mom was having post-partum sickness or whatever you call it that's why she didn't want to take care of James back then. I took care of him and acted as the mom. Kaya when he learned how to talk, he called me "mama", yan una niya sinabi... sa harap ng mga kaibigan ko! Kaya tinutukso nila ako dati na anak ko si James. Uhm, I was 14 that time and I don't think I can get pregnant and deliver a baby without everyone knowing about it :)

I call him "bebe". Just a year ago, he couldn't sleep without me but now... he only does when waking up in the morning. Nilalamig tapos tatabi sabay balik tulog!
I remember din, he was already grade five that time and he's nahihiya na when being called bebe. Nakasanayan ko kasi. Already left his classroom after getting his report card when he called me back. Nagulat ako kasi nag-kiss sa akin. Kita mo sa mukha niya na nagulat din siya. Akala nasa bahay! Hehehe! Dedma na lang siya, babye sa akin tapos nakita ko balik sa upuan. Ang tuwa ko nun sobra! Para akong nanay! Hehehe

Time flies so fast! Parang kailan lang, karga ko pa siya lagi. Ngayon, hanggang dibdib na lang ako ng bebe ko! Gulat nga rin ng mga friends ko who saw him until he reached 3 or 4 years of age... they can't believe that the baby we took turns carrying during practices is already a 15-year-old kid! Baka a year or two from now, magkakalakas-loob ng magpakilala ng girlfriend... lagot sa akin yung girl na yun!

He's always brooding and quiet. I make it a point to always ask him about school and talk to him about the "uso" among his age. Kaya nga, eventhough I don't like some local rock bands that much, pinapakinggan ko na rin and inaalam. At least, he can talk to me about it. Pati usong brands, I need to know otherwise, sisimangutan ka if you can't relate to what he's saying.
But, he's always been malambing. He knows when to ask for things and he always gives me his excess money. Kaya lang may kapalit this time... merong sinasabing brand ng shirt at sapatos. I forgot kung ano. Hehe... Pareho kami ng ugali actually. I can see myself in him. Pareho pa kami ng sense of humor nyan kaya siguro if he's a girl lang, bungisngis din.
There was a time when Hale wasn't popular yet and we're both talking about Broken Sonnet, the band's first hit song. Sobrang gusto namin pareho! We would listen to it everyday, nagagalit na ang dad sa amin! Hahaha! Tapos when Hale became popular, ayaw na namin.
Magkapatid nga kami :)
~ Removed my pics due to uhm risk of overexposure *wink*

20 comments:

rHo said...

ang cute naman ng addition sa inyong family! hehehe.. ilang taon na sya te?!

ang nag-iisang kong kapatid na lalaki ganyan din, ang tahimik sobra pero wag ka... pag pumasok ka sa kwarto nyan mabibingi ka sa lakas ng kanyang stereo! pareho ko.. mahilig din sa music! ayyyy... magka-edad pala sila ng bro mo! hehehe....

persttttttt honorr akooo!! yahoooooo!!!

tina said...

ang cute ng baby.:) and to think di pala sa inyo... ang sweet nyo naman. ahihi. Pinasasaya din naman kayo. :)

Wow ha.. ikaw pala ang nag-aalaga before sa bro mo. nice :) at close na close kayo.

Ann said...

Swerte naman ng nanay ng baby nyo at libre baby sitting pala sya, pero syempre ibayong saya rin naman ang naibibigay ng bata sa pamilya nyo at sa daddy mo. Masaya talaga kapag may baby sa bahay.

Yung bunso rin namin, mahal ng lahat, tingin ko nga dun eh baby pa talaga dahil nung umalis ako sa pinas katabi pang natutulog ng nanay ko kahit highschool na, then nung 18 sya nagulat ako kasi itinawag sa akin na nakabuntis daw...waaahhhh...di ko alam kung maiiyak ako or matatawa. Malay ko ba na marunong na pala yun mambuntis...hehehe.

ghee said...

whew!!time flies anoh?
so cute ng baby ni dad mo,haha!

ang aga mo palang nanay Sash,look at him now,taller than you?wow!your bro is cute din,in fairness :)

your dad and your siblings are lucky to have you.always keep the sweetness
in you.

huggsssss!

Vince said...

kaya intindihin mo na si bunso, dumaan din ako sa teenager hehehe...

nona said...

ang sarap ng may baby sa family sis, ako miss ko na rin mag-cuddle ng baby,kahit mga kids ko nagre-request hahaha...akala nila ganoon lang iyon.very lucky si etey, daming nagmamahal sa kanya.

Binata na pala si bebe james...konti na lang at magkaka-gf na iyan hehehe...naku, I'm sure kakaliskisan maigi ng ate mommy sha.
Well, at last lumantad ka na haha, I'm sure di ka na makapagsulat rants about work *woot*....or else...(^_^)

potpot said...

wah.. ang cute naman nung baby... sha pala ung baby sa pic kapag nagkokoment ka.. hahha. :) ang cute..

ang bilis ng panahon.. haay...

carlota said...

Sash, you're just the sweetest.

ang cute ni Etey. (like that name) at for sure swerte ng nanay..pero masaya kasi pag may bata. i remember when i was in high-school palagi kung hinihiram ang baby ng friend at isama kung mag shopping o kaya'y mamasyal.

na mi miss ko na may baby pero honestly parang tapos na ata ako. hehehe.

Ang cute at sweet naman ng bebe brother mo. swerte rin kasi mabait.

ako rin nakikinig sa mga music ni julie so we can talk about it or i can relate when she talks about it. kung brand or fashion naman hindi nagta-tanong si julie alam mo na. :-)

Wendy said...

My mama and daddy love kids so much. Ang dami na ring mga anak ng kapitbahay namin ang lumaki sa amin. Institution nga tawag ng young sis sa bahay.
Masaya talaga ang bahay kapag may baby!

Tsina said...

eheheh!

awwww... sweet-sweet niyo naman sa bebe! wala lang ang bait bait niyo!!!

I WANNA BE PART OF YOUR FAMILY RIN! hehehehehe!

Miss you ate sasha :)

ethel said...

HI Sasha salamat sa dalaw duns a site ko :)
ang kyut ng bebe hehehe...pinahiram lang pala :)

sasha said...

@Rho... sis, 1 yr old na sya. Ilang mos. pa lang yan nasa bahay na lagi :) love namin sooobra! hehehe

magsing-age ba? bakit kaya ang mga lalaki pag ganyang age tahimik? :)

dahil pers honor ka, eto ang big HUG para sayo! muaaah! labshu, bru! ;)

@Tina... cute nya noh? hehehe

@Ate Ann... sobrang kasiyahan talaga, te! hehehe... masaya talaga pag may baby! kaya nga tinutulak ko na ang sumunod sa aking mag-asawa na para naman magkaron na ng pamangkin ;)

@Ate Ghee... kaya ganun ako mag-isip, parang nde pang-28 ano? hehehe... tenchu as always, te!

labshuuu!

@Oist, Kuya, iniintindi ko naman ah! mas naiintindihan mo nga lang sya, hehehe

@Sis, pagbigyan mo na kasi ang mga kids mo! gusto ng baby bro/sis e di ibigay! hehehehe joke!

may gf na nga yan, sis! 3! ka-age nya yung official, yung 2 older than him. akala yata nyan e nde ko mahuhuli.. ako pa! hehehe

@Shobe... oo sya nga yung sa YM pic ko :)

sasha said...

@Ate Carlotz... thanks po! natuwa naman ako sa unang sinabi mo hehehe

Cute talaga nyang si Etey! Kanina nga tumawag sa office ulit at nag-Te! hehehe... kasama rin namin siya mag-mall :)

Kailangan maka-relate ano, te? Kasi para naman pag nagkwentuhan kayo, may alam ka sa sinasabi nya. One way of bonding na rin :)

@Wendy... aba mare, institution pala ang bahay nyo! Nakakapagpasaya naman kasi sa ating parents ang kids kaya ayos lang na kalat sila sa bahay natin! hehehe

@Tsina... bunso, part ka na ng family, halika na! hehehe... labshhuuuu, misshuuu bunso! muaah!

@Hi Ate Ethel! Opo, hiram nga lang hehehe... thanks din sa pag-hop dito :)

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

ako, pede magpaampon? suwerte ng mga babies mo ;)

35 pa? mahal ang magpa-caesarian :D

sasha said...

Ate Neng... ala kasi kaming fish pond e. Paano kaya yun? hehehe

35 pa kasi I need my 5 years of independence muna, te :)

Juana said...

"Uhm, I was 14 that time and I don't think I can get pregnant and deliver a baby without everyone knowing about it"

hahah naalala ko kwento nang lola ko nung 14 daw siya natipuhan siya ng sundalong mas nakakatanda sa kanya yun ang lolo ko. gusto daw siyang pakasalan agad, nung panahon na yun takot sila sa mga sundalo kaya nag oo sila ngunit sinabi ng lola ko sa tuhod na di pa pwede magkaanak kasi di pa nagkakaron ng period hahaha kaya ang lolo naghintay naman hehe

sasha said...

Hahaha

May period na ako nyan, mare kaso swear inosente pa ako! Nagsimula lang ang aking kamunduhan nang tumuntong ako ng 2nd year college nyahahah

irel said...

wow ganda naman ng mga babies mo!! they truly are the greatest blessing!take care & god bless!!!

rex said...

hindi tayo exactly pareho ng sitwasyon, pero nakakarelate ako.

close din kami ng ate ko eh, kahit na 8 years ang aming gap. well, it's not like i have a choice, 2 lang kaming magkapatid, haha! 2 na nga lang kami, hindi pa ba kami magmamahalan, diba?

ansarap mong maging ate ah! ako din, pengeng pasalubong pag payday! haha! =p

sasha said...

@thanks, irel!

@rex... uy kahit minsan 2 na lang magkapatid nde pa magkasundo ha... kaya ur lucky at close kayo ng ate mo.

ano bang pasalubong ang gusto mo, bebe? hahahah

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile