Nov 27, 2006

Hindi lutong-Bacolod

Pasintabi sa mga kumakain. Kung kayo'y madirihin, wag munang basahin ang entry na ito.

Alam kong kaka-post ko lamang kahapon pero kailangan ko itong makwento... Read on...

May assignment ang sister kong si Grace. Kailangan nilang i-review ang ilang episodes ng i-Witness. Isang news and public affairs program sa Channel 7.


So, nanghiram siya ng vcd at isa sa mga episodes na napanood namin kahapon ay ang Basurero episode.

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko habang pinapanood ang episode na ito. Si Jay Taruc ang nag-report at sumama siya sa mga basurero upang maging makatunayan ang kanyang paglalahad.

Unang segment ay ang Batchoy. May nakilala siyang mga homeless na upang makakain, gawain na maghintay sa labas ng mga fastfood at restaurant para sa mga basura nito. Paglabas ng basura'y dali-dali nilang bubuksan ito at hahanapin ang mga "pwede" pang ihalo sa ulam nila.

Nung sumama si Jay sa kanila, nakakuha sila ng ilang dahon ng petchay, ilang tira-tirang tinik na may mga laman pa ng isda, at ilang nakagatan ng parte ng manok. Halos kalahati ng isang black garbage bag ang nakuha nila! 3 kilos nga raw. Tinanong pa sila ni Jay na paano kung panis na yung nakuha nila... hindi naman daw, sagot nung isang nanay. Saka maisusuka rin naman daw nila kung sakali. Tsk tsk... Hindi na pumasok sa isip nila ang food poisoning sa sobrang gutom!

Jay Taruc’s “Basurero” unravelled the depressing situation of many Filipinos who feed on leftover food, now called “batchoy.” Viewers expressed disgust when Taruc himself ate scraps from garbage.
Excerpt from Sine Totoo: GMA News and Public Affairs festival

Bumalik sila sa kanilang make-shift shelter at nagluto na. Hiwa ng bawang at sibuyas at binuksan na ang bag. Dahil medyo madilim yung lugar nila at ilaw lang ng apoy ang nagbibigay-liwanag, mukhang sandamak na tuna yung niluluto. Pero sa totoo, dinurog na tira-tira galing basura, ang kanilang batchoy.

Mga taga-Marinduque (o Mindoro yata) sila at mas gugustuhin daw nilang kumain ng batchoy kaysa nilagang saging! Ano ba yun?! Isipin niyo na lang na bata at matanda ang kumakain. At basura ang kinakain nila, kahit pa sabihing nailuto ito.

Nakikain pa si Jay nang maluto. Isang subo lang ang pinakita at kita mo sa mukha niya ang sama ng lasa ng kinain. At, aminin man niya o hindi, pagkasuka sa nakain.

Sana nga lang, may ginagawa ang mga katulad ni Jay at sampu ng mga kasama niya sa i-Witness matapos na makita ang plight ng mga taong ito. Hindi yung pinagkakitaan lang ang documentary na nabuo at nakalimutan na sila.

27 comments:

carlota said...

ay sobra naman. kawawa talaga.

palagi kung sinasabi sa anak ko ng mga ganyan lalo na pag hindi siya kumakain or hindi tapusin ang food nya.

Bless their heart.

carlota said...

yay 1st ako ah...hehehe...natuwa lang kasi 1st time dito sa blog mo. wink* anong premyo ko?...lol

Ann said...

Ganyan naman talaga halos ang mga nasa media, tingnan mo yung ibang ginagamit nila after ng segment nila wala rin.

May nabasa ako dati yung namatayan ng anak dahil panis na yung lechon na napulot sa basurahan. Yun din ang trabaho nya mamulot ng tinatapong pagkain sa basurahan.

Meron din yung sa Jollibee, lahat pala ng tira-tira ay binebenta pa, tanda ko ay P7/kl yung mga manok na tira ng costumer na halos puro buto na lang. Pero ang daming naka abang para bumili.

ralphT said...

we watched that na in one of our classes. at marami pang other documentaries... mahusay yung mga ganyang documentaries kasi namumulat ka sa realidad ng mga bagay na nangyayari sa paligid mo. i enjoy watching stuff like those. but then, siyempre, maaawa ka na lang talaga sa mga taong ganun.... grabe...

kaya talagang sobrang nagpapasalamat ako everyday kay God kasi ang swerte ko sobra!

etong entry na 'to ang madalas kong i-share sa mga tao... ang "maswerte ka!" post ko. dahil ikaw, napakaswerte mo na!

ralphT said...

nabasa mo na pala 'yun. hehe ;)

nona said...

sis, napanood ko iyan...as usual, it broke my heart kapag nakakapanood ako ng ganyan...wow, tugma ang post natin? Because of your message kanina...well, just check out na lang.

Nakakalungkot...nakakainis...Life's so unfair!

ghee said...

hmmm,bilib ako kay Jay,nakakain sha?
di ko yata kaya yun...

well,what can i say?di sa nandidiri ako,nalulungkot ako...hayy...

c yah later,Sash! :D

ate cha said...

masakit talaga sa damdamin when you see people living that way while tayo pa-internet-internet lang! sad but very true. kaya nga we have to be very thankful for the wonderful things and life that we have and maybe in a small way we can do something to help make this world a better place.

ano kaya???

Juana said...

naalala ko nun may outreach ang school kung saan ako nag work. nadivide kami into groups ako napunta sa grupo patungong payatas. nakikitira kami for 2days dun natulog at nakikain kami sa aming host na pamilya. umakyat din kami sa bundok ng basura. maaawa ka at mainis sa kanila, galing daw sila ng province ibinenta ang mga lupain makatungtung lang ng maynila.

minsn nga nagtatanong ako bakit di na lang tayo lahat parepareho. may kinukuba na sa kakatrabaho at may nagwawaldas ng salapi sa luxuries.

tina said...

Parang napanood ko din yan. *sigh*

Sana nga at di nila kinalimutan ang mga nandoon.

rHo said...

nakakalungkot naman yan... hanggang ngayon hikahos pa rin ang marami sa atin! nakaawa dahil wala na talaga silang makain pa..

kaya nga lagi kong inuubos yung pagkain ko eh! yaaaay... takaw!! hahaha!

Tutubing said...

Nakakalungkot. Nakakainis. Sila dapat ang priority ng governmet=nt, pero inuuna pa nilang atupagin na ilagay ang pera ng bayan sa wallet at bag nila na gucci, prada at LV.

Wendy said...

I-witness... one of my favorite TV program.
So sad na malaman na may mga kababayan tayong na nabubuhay nang ganu'n.
On the other side, inspiration ko ang mga ganu'n when I have problems. Iniisip ko na, with that kind of life na meron sila, na mahirap, nakaka-survive sila... so ako, kailangan ko ring maka-survive.

manilenya said...

yun din yung tanong ko dun sa isang segment na ipinalabas naman ng dating brigada syete ..yung nakisalamuha si jay Taruc sa isa namang taong grasa sa may espana, sinamahan nya to ng ilang araw, kinausap at hinanap yung pamilya... hinimok nyang umuwi sa pamilya at hinimok nya rin yung pamilya na tanggapin ulit yung taong grasa..ng sumunod na mga araw binisita nya yung taong grasa sa bahay, maayus-ayos na at may dala pa siyang regalo para dito...ang tanong ko ..after ng huling pagkikita nila, dinalaw nya pa rin kaya ito at tinignan yung kalagayan katulad ng pagpapakita nya ng pag-aalala sa taong grasa na yun nung panahon na itinatape nila para sa programa nila?

tin said...

nakakita rin ako ng batang nag-aabang sa tapat ng jolibee malapit sa school namin. Linibre ko ang sarili ko dahil sa pagod ko kakaisip sa project proposal namin. Pagkatapos ko kumain, nag-take out ako, para sana yun sa brother ko. Isang burger lang naman with french fries and coke. Nakita ko yung bata. Cute sana sya kung maayos ang pangangatawan niya. Siguro, mga 6 years old lang sya, o mas matanda pa kasi yung height niya pang 6years old. Kaya yung ti-nake out ko, binigay ko sa kanya. Laking pasalamat nung bata. Dali dali syang tumakbo, tapos sinundan ko ng di niya mapapansin. Binigay niya yung binigay kong food sa iba niyang mga kapatid, hati hati sila dun. Nakakaawa talaga. Kung marami lang akong pera. Kung mayaman lang ako. Aampunin ko talaga ang mga batang yun at bibigyan ko sila ng pagkain at pag aaralin ko pa.. hay..

master said...

napanood ko rin yan, i admire jay's way of presenting things, mana sa ama. one of the episodes na naalala ko ay yung "gutom" episode. as always nakisalamuha siya sa mga tao & tried to eat na katulad ng mga kasama n'ya, that means once (or none) a day.

that's reality, media is just an instrument of conveying to the people what is really happening outside malacanan.

howling said...

Whoa. This is one piece of realism that certainly bites. Especially if you live faraway from mother country and long enough to actually be reminded that this kind of thing still exists on a daily basis. There are pet animals that fare much better here than these really unfortunate people. It makes me you feel sick and angry that there is nothing done about them while politicians binge on whatever wealth is left in the nation's coffer and the country's few rich people just watch in complete apathy.

Sorry folks. This is not really a place for me to rant, considering I'm far away and is not really doing much to help. I only have disgust for the politicians and not the honest hardworking better off members of society. Those people that we put in power should be responsible for this as we pay them through our tax money to do their jobs, and yet obviously they're not.

BTW Sash: Are you from Bacolod???

Nice to know that you're now doing really well.

Talk to you soon :)

ikay the dancer said...

yeah.. napanood ko yan.. grabe nga naawa aku jan..

meron pa nga din akong napanood ung tira-tira..? ung simot.? basta ganun..

ewan ko ba. T_T

Iskoo said...

may napanood din ako yung tira tira sa jolibee ay iniipon tapos ni-re recycle para kainin ng mga namumulot ng pagkain.

Billycoy said...

hindi ko napanood yun...

pero sa kwento mo, that's so gruesome!

mas pipiliin ko na lang ang nilagang saging, mataas sa potassium, iwas high blood pa

qroon said...

Malungkot na kalagayan ng ating bansa/lipunan. Kinakain ang basura. Ang mas malungkot ay pinagkakakitaan ang ganitong sitwasyon upang tumaas ang ratings. Tsk!

kneeko said...

wheew... grabe ah..

potpot said...

naguiguilty tuloy ako na magtira ng pagkain.. totoo ba ung sa mga fastfood chains achie? ?

ung tinatapon ung mga pagkain.. sayang naman diba??

sana nga may ginawa sila.. kahit onti para tulungan man lang..

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

sa tingin ko, napakalaking bagay na ang nagawa ni Jay na maipakita ang takbo ng buhay ng karamihan sa ating mga kababayan (napagkakitaan man niya eh trabaho niya iyon!)

sino ang sisisihin? sabi nga, ginusto nila yon ... kanya-kanyang ideolihiya lang naman yan! Malaki ang "kasalanan" ng mga tagapag-serbisyo ng bayan pero hawak pa rin natin ang responsibidad sa pagpapatakbo ng ating buhay! Huwag umasa sa iba ika nga ...

irel said...

bunch of hypocrites talaga minsan ang media!!! kita naman nilang nagugutom nga yong tao eh, tapos wala pa rin silang ginagawa! kawawa talaga!

Anonymous said...

irel?hindi ba yung pagpapalabas nung documnetary na 'yon e pagpapamulat sa atin ng katotohanan?so paano mo nasabing walang ginagawa ang media?kung naawa ka sa mga taong yun then why not help them? nagawa na ng media ang dapat nilang gawin. na ipakit asa atin na may mga ganung tao. wag ka masyadong judgmental

Anonymous said...

well, napanood ko din yang episode na yan...pero last friday lang un...just like your sister...requirements din namin sa school yan...hehehe...and i really felt sad about what i've seen...sabi ko pa nga sa sarili ko na maswerte pa ako...hehehe...

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile