Nov 6, 2006

Monday na Monday...

Minsan, bigla kong gustong maiyak sa inis! Mabait naman ako. Pala-smile. Bungisngis nga sobra, di ba, kuya? Pero minsan, abuso yung iba. Nakakaburaot! Akala laging kang accomodating. Akala lagi kang nasa mood mag-give way. Paulit-ulit. Minsan, hindi dapat sa akin sinasabi pero sige pa rin. Minsan naman sobrang sarcastic at mean na akala mo ako ang salarin! Sa totoo, nangyari nung ako'y wala pang kamuwang-muwang… kumusta naman yun di ba? Dahil sa ako'y nagbago na at ayaw na makipag-away o ng may kagalit, sige na lang at timpi lang ako madalas. Pero may mga times na hindi ko mapigilan ang maldita kong kakambal na lumabas. Pero minsan na lang yun. Most likely, maiyak na lang ako sa inis. At mag-whine.

Siyempre, ang karaniwang biktima naman ng pagngawa ko ay ang aking mga friends. Pero madalas dahil si kuya ay online, siya ang recipient ng rants ko. At kayo palang madalas dumalaw dito sa blog ko. Nakakainis lang kasi talaga!

Ang bangenge ko namang sarili, makakita lang, makarinig o makabasa ng makapagpapakilig o makakapagpatawa sa kanya, ayos na. Duda na nga ako minsan kung mahigpit pa ang turnilyo ko sa utak. Ang mood ko ambilis mag-iba! Pakitingin nga at baka hindi ko alam nalaglag na pala dyan sa paanan niyo.

Mabuti na lang at may nagpapasaya sa akin.

At kanina nakita ko pala ang crush ko ditong akala ko executive hindi naman pala. Hahaha! Ka-level ko pala dito sa amin pero dahil nakaporma lagi, feeling ko part ng ex-com. Mamaya ipo-post ko pic niya. Nyahaha… Hindi nya alam, kinukuhanan ko pala siya kanina sa 5S seminar namin *wink* *wink* Ang guapo niya kapag naka-pink!

Ayan nawala na inis ko. Ambilis ano?!?

***

Si fafah guapo ay eto na... eto na... eto na...

Eto na ang kanyang mga pics!

*** Photos removed due to someone lurking... Grrr

Look at his hand... hay... ganda! His back... hehehe...

May close-up pa ako. May iba pang angles. Pero ayaw ko na ipost at baka may makakilala, lagot! Hahaha... At may video pa ako niya kaso syempre kalabisan na kung upload ko pa di ba? Nyahaha... Kung alam lang nya na hindi ako nakikinig sa kanya kundi malayo ang nararating ng isip ko...

Kaso, may nalaman ako kahapon... taken na siya!!! Di bale, cute pa rin naman. Hay... All the good men are either gay or taken na talaga :(

p.s. Sorry haven't been bloghopping for the past two days now. Chalk it up to PMS, guys! Haven't been in the mood lately. Will bloghop later or tomorrow. Thanks for always visiting! Luv yah all!

45 comments:

kneeko said...

wag kang magbago... daliii awayin mo kung sino man yan hehe

ang gulo nga... nagpatingin ka na ba sa doktor? baka nga me sayad ka hehehe

uyyyy nakafink ung crush niya hehe

Anonymous said...

I have the impression that you tend to accept whatever is asked from you. That you can't say "no" most of the time to the demand of others while you are just keeping your complains to yourself, "how do you feel about it? What have you done to cope with that situation?" To use the analogy of a volcano, it will not erupt until the magma chamber has accumulated enough force to burst out. Meaning, accumulated rants is not good at all, I admire that you still manage to recognize that.

Psych na po ako ngayon hehehe.... :D

Anonymous said...

weee..:) hahaha...okey yun ah..mainit ang ulo dahil sa mga taong...hmmm...you know..haha...

tapos dahil kay "naka-fink"..naman..haha...^_^

http://pmmg1122.blogspot.com

celena said...

Mood swings?! Haha! Ang tarush ng lola mo! Well, ganyan talaga pagpunumpuno tayo...bigla na lang sasabog. *BOOGSH*

ann said...

Dali!!! post mo na yung nagpapasaya syo na naka color pink para laging nasa mood ang beauty mo at wag pansinin yung mga nagpapaluwag ng turnilyo..hahaha!

ikay the dancer said...

wahaha.. :) wag ka kasing maxadong magtimpi.. slight lng.. kasi kaw din mahihirapan. hala. :P

rHo said...

uyyyy.... naka-pink si crushiiieee!! hmmm... baka ano na naman yan ha?! joke lang! pero uso ang pink ngayon (sabay bawi eh!) hehehe!

nako sis, yaan mo na ang mga nagpapainis sayo! baka sila ang maluluwag ang turnilyo noh?! tingin mo?! hehehe... stay happy!! mwuahugggz!

Anonymous said...

hahaha!ang bilis nga!
naku,dont worry..yung mga nangiinis sa yo,malamang bitter lang at naghahanap ng karamay..kaya dont spoil your day! :)

have a great week ahead,Sash!!

Anonymous said...

P.S.

post mo na si cute,nang makilatis,hehe.

ofelia joy said...

ganyan talaga ang buhay... mabilis magbago... pero minsan pasalamat pa rin tayo kasi mabilis nga mabago ang ating mood eh di hindi nagkakaron ng violence... hehehehe

joy-joy said...

cant wait 2 c his pic hehehe

tekla said...

wow 5S nahihirapan akong i-practice yan hehehe

sashing, sort mo na yung mga pic ni crush mo tas sweep mo table mo at systemize mo na ilagay mga pic nya tas dapat standardize ha then kelangan may self disicpline ka sa pagtake ng mga pic ni crush mo baka mahuli ka nyahahha.

ate cha said...

Just another part of life. Let it all out, iyak sige iyak, After that gagaan na ang loob mo.

Oh and be a strong person, don't be afraid tol ose fake friends just because you said no or if you openly voiced yourself.

enjoy your true friends!

Anonymous said...

hehehehh.. ^_^

tala.. away naten tila..

kaahhh meehh haaa meehhh waaavveee!!

*tugsh*

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

aray, natamaan yata ang buntot ko ... di bale, hiramin ko na lang kc ako wala ng turnilyo ... hirap humanap sa ukay-ukay :D

Cute nga ng mga naka-pink na lalaki, lumalabas ang pagka-macho na eheeemmm ... makalaglag-panga ;)

mousey said...

asus baka one of the others din lang yan crush mo gaya ng dati... hehehe

tina said...

Haha ang bilis magbago!!

Uyyy may crush sya... :P ahihi at ipost mo na ung pic!!!

iskoo said...

ayan buti nalang nawala na inis mo, hintayin namin picture ng crush mo na ex-com

yorokobee said...

yey! guapo in pink! ako cute in pink ngayon sa pajama ko hahaha!

*smile naman jan*

dont mind them nalang ganyan lang talaga, minsan may nakakainis ako din minsan ganyan may kinaiinisan, pero di ko na pinapatulan, born again na kasi ako! hahahaha
inisin mo nalang din*yay sabay ganon*

luv yah Sasha! post mo na si guafo in fink!

Anonymous said...

maganda yan, may pambalance ka naman pala eh. at oo, ipost mo na. :)

malaya said...

Naku mare, naka-pink ba kamo?
Sigurado ka ba? Naka-pink eh? hehehe nangungulit lang

ralphT said...

hahaha. ok lang yan. hindi lang ikaw ang weirdo sa mundo! ;)

tutubing_karayom said...

hala nag nenok ka ng picture nyahhahha

Anonymous said...

hahaha!Sash, ala stalker ang dating mo nyan,haha!

halatang stolen,puro back and side view...hmmm,pogi ba?di ko masyado makilatis..pero mukhang ang bangoooo,hehehe...the devil in me..

tekla said...

wowowee! ang gwafu nga ni crush mo lalo na kung may laptop hehehe

kneeko said...

hmmmmm makaporma nga din ng ganyan at makapagpapicture... tapos ipadala ko sau.. baka sakaling crush mo na rin ako nyahahhahahha

penoi said...

teka.. saan nakahawak yung kamay nya.. hehehe

kepyang said...

miss u na ate!!! salamat s pagbisita...

tama po kyut nga yung guy..my clsm8 din po akong pogi kaso bading! wehehehe

yorokobee said...

iba ang powers mo sistah, seminar naging pictorial ng di nya namamalayan na siya ang model...!hahahha

hmmmmmm! ang bango,I can smell his perfume ....Perry Ellis 360...hahaha
di ko mafigure kung guafo nga?!
yaan mo na taken na naman siya e,hehe!

Wendy said...

Uyyyyy.... dalaga na siya... may crush na siya... hahaha. PEACE TAYO!
Iba power mo gurl... talagang nagawa mo siyang picture-an.
Autograph niya meron ka na? Hahaha... peace ulit tayo!

shobe potpot said...

hahah.. ganyan talaga.. sau ko siguro naman ang aking mga mood swings achie.. hehehe.. ganyan din kasi ako.. bad trip kanina, nkabungisngis na ngaun.. hahaha.. :)

wah.. mukang tunay na lalaki ang cras mo achie.. naka PINK kasi siya.. hehhe.. :) in fairness.. may ichura.. yey!!

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

fafable nga! ;)

Anonymous said...

Ang wafoo ha! Hehe!

Anonymous said...

"""All the good men are either gay or taken na talaga :( """

hoy ano ito??? hahaha! hwag mong lahatin! nandyan lang sya sa likod mo, kita mo? nyahaha! Pero ate, boto ako sa kanya para sa iyo hahaha! Nagpa-book na ako ng magse-serenade sa kasal: si Razz! oops, talo ang pikon... :P

ofelia joy said...

fenk na fenk :D:D:D

Anonymous said...

nyahahaa! sis 'ala siyang kamalay malay na pinagnanasaan mo na pala siya ^_^ lukresah ka rin 'no?....buti na lang andiyan siya napawi tuloy ang init...init...ng ulo mo hahaha!

howling said...

Ey!!! What is wrong with pink??? I got lots of pink stuff... in fact my lucky pants - as in boxer's I dont wear em' briefs: catches my balls [ sorry if there are kids around ] is also pink. Get's em in the mooood all the time.

Pink is good. Pink is sexy.

Okey, thanks.

sasha said...

@kneeko... ayaw ko magpatingin at baka nde na ako paalisin ng ospital! nyahaha

ang wafu ano? hehehe

@kuya... tama ka! madalas na nga akong mainis sa sarili ko kasi pa-martyr effect ako! Hmp! Nde bagay sa akin!

Kaso, gusto ko ba ulit maging maldita? Alam mo namang ako'y extremes na tao! Nyahaha! Either maldita ako or mabait... no in between!

@Pam... kakainit kasi ng ulo ang mga buraot dito sa office! Hmp!

@Celena... taray ba?! Hahaha! Nainis lang naman ng sobra! Madalas kasi, in a matter of minutes, wala na inis ko. Kaso nasobrahan ng pagtitimpi sa mga nakakainis na nilalang dito sa office!!!

@Ate Ann... honga, tama ka! Dedma na lang! Hahaha! Ayan na siya :)

@Hay Ikay... either that or makasabunot ako! Wahahah... wag na lang at not worth it! :)

@Rho... nde ako talaga ang maluwag ang turnilyo sis! Hintay sila kapag tunay ng nakalas! Hahaha! Ang kyut nya ano?? *Slurp* Hahaha

Serey said...

Hello again Sasha! Thanks for your nice comments on my shoutbox. I do try to be the kind of mother that I wish I had. Ika nga, we try to make life better for our own kids when we are given the chance.

To be honest, I've been trying to avoid your site 'coz madi-depress na naman ako. Kaka-inggit talaga ang format. Wish I had the talent... Well, that's what happens if you were born wayyyyyy before the 1980's. ;-( If ever I'm able to make my site look decent, it is because of the generous talent of other people and the WWW.

Salamat pala at pinagtitiyagaan mong bisitahin ang aking site even though I don't blog regularly. Bukod sa iyo, I know that my 2 girls regularly visit (under duress!)and some of my friends and family.

BTW, cute nga itong bago mong "crush". Dios ko naman 'day! the way you described his kamay at likod, para ka nang nasa alapaap.

Also, if he's man enough to wear pink then I say that he is very secure in his sexuality. Metro-sexual ika nga... Carefullll!
What you gonna do, if he finds out?

tina said...

Sasha: uy napost na ang pics!! si mr-executive-in-pink!

Grabe ka din pala.. 3 books pinaghahalo.. amazing! :P

I have a Dean Koontz as well... pero I havent started it.

Pareho tayo! I buy one new author a month or so.. and then when I like his/her book... i buy the books made by him/her.

Hehe.. Loyal -_-

Take Care and Be Blessed!

-pAm- said...

ayun ang pics! hehehe..:)

waaah. bakit anonymous ako sa previous comment ko? ang blogger talaga! hmmmmmp.=p

http://pmmg1122.blogspot.com

sasha said...

@Ate Ghee... dedma ang byuti ko sa kanila! Bahala sila kung gusto nila maasar, basta ako, wag nila isali! Hahaha

Ayan at naipost ko na siya ^_^

@Mama Joy... tumpak ka riyan! Peace tayo! Hahaha

@Joyjoy... ayan na siya sisterette! Salamat sa chat nung isang araw! Hehehe

@Mam Teks... tapos na ako sa 3S... sa susunod na yung 2 pa ;-)

@tama ka dyan Ate Cha! Medyo kailangan ko pang i-weed out ang true sa hindi :)

@Avy... pakisapak nga please! Hahaha

@Hahaha! Sowee Ate Neng! Tinamaan ka ba? Hehehe... Nakakabit pa naman turnilyo ko, nilagyan ko ng glue :)

Makalaglag-panga? Nde yan ang nalalaglag sa akin, te! Nyahahah

sasha said...

@Mousey... nde! Proven na! Hahaha

@Tina... ayan na siya^_^

@Iskoo... ayan na po at oo mabilis magbago mood ko :) Konting basa ng kilig, ayos na! Hahaha

@tama ka dyan, Bee! Dedma na ako! Pretty in pink ba? hehehe

Luv yah, sis! :)

@Yup, IE! Otherwise, naburyong na ako rito! :)

@Oo mare, nakapink nga! Ayan na siya! Hahaha

@That's good to know, RalphT!

@TiKey... wag ka maingay, baka malaman niya.. hehehehe

@Hahaaha, Ate Ghee! Stalker ba? Hehehe... Ang guapo e! Can't resist! And yup, mabango siya... :)

@Si Mam Teks talaga namang laptop ang nakita! Hahaha

@Kneeko... sige nga pre at nang matitigan! Hahaha

sasha said...

@Penoi... mahalay ka talaga! Hahaha

@Kipay... nde yan bading, certified na! Hahaha

@Nyahahah... honga Bee! Wala syang kamalay-malay! Hahahaha model na pala siya... ng blog ko!

@Ibahin mo ako mareng Wendy! Hahaha... May video nya ako... nde nga lang sex video! Hahaha

@Oo Shobe, lalaki yan! Certified! Ang cute niya noh? Konti lang nakakadala ng pink e :)

At malamang sa akin mo nga namana ang mood swings mo! Hahaha Kapatid nga kita! Luv yah, sis! ^_^

@Ayos ba, Ate Neng?! :)

@Korek, Celena! ;-)

@Kuya, halos lahat na! True yan! Ask the girls... :( At nde ka pwedeng maging boto sa kanya! Taken na siya! As in married! Hahaha

@Mama Joy... ayos ano?!

@Hahaha Nona! Sis, alam ko yang init na yan ha... Hahahah! Galing ka lang kay fafi naging... eloquent ka na! hahahah :)

@Howling... ur right! Pink in guys is sexy nowadays :)

Catches your balls?? Hahahaha

sasha said...

@Serey... Hahaha! U try to avoid my blog... Wag naman! Naku, when u get to see other blogs, ayun, mas madi-depress ka. Simple pa nga ang blog ko :) Parang ang yabang ng dating! Hahaha

I love visiting blogs ng mommies. Kakatuwa kasi kayo magkwento :) And ok lang kahit na u dont blog regularly. I get to read good posts naman those times na u do post something :)

Take care! And hi to your girls!

@Tina... Naku, kung manawa ka na sa regular reading, gagawin mo yan! I will prolly post something about books in my next post. Parang I dont have enuf time to read all those books I've wanted to read e :(

Praning ako! Hahaha

Take care as well! Luv yah!

@Pam, sowee I changed to Blogger Beta kasi. Medyo nagloko! Hahaha

Take care everyone! HAPPY WEEKEND!!!

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile