Nov 10, 2006

Linis, palit, linis!

General cleaning for two days here in the office. It started yesterday and would presumably end by 6PM today. Ha ha ha... Yeah right! 18 years of accumulated dead trees and dirt???

Pengeng posporo at gaas! Tapos yan sigurado! Nyahahaha

***

I transferred to Blogger Beta last night. I talked to Ate Ghee about it and here's my blog now. Comments got distorted for some reason. Those who posted using their old blogger profiles were tagged as anonymous. Sorry about that. Kilala ko naman kaya okay lang.

Sana there'll be no other problems na :)

***

Natawa ako sa mga reactions ninyo kay fafah fink. He's a manager here sa offshore investments department ng isang company dito. He studied abroad. Has an MBA and speaks really well. Ganda ng boses at tama kayo, Ate Ghee and Bee, mabango nga siya! Hahaha! Kahapon, pareho kaming naka-green. Nagkasabay sa elevator, hi and smile siya sa akin, pero tongue-tied ang drama ko! Hahaha! Ang arte!

Wala lang naman yan. Kapag ako'y nagka-crush, normally, crush lang talaga. I remember may naging crush ako nung HS. Antagal ko siyang crush, grade six until 4th year high. Nung sinabi sa akin ng barkada niya na gusto ako ligawan, asus, sabi ko wag na at crush ko lang talaga siya.

I'm sure may mga nakaranas ng ganyan dito... Girl friends??? Say something! ^_^

Pero si ano... ewan ko... hahaha

Joke!

***

Eksena sa likod ng FX two nights ago:

May mag-bf na panay ang lampungan. Pinaayos ni gf si bf para makasandal siya kay bf. Pinaayos siya ni bf para mahalikan niya si gf. Kiss sila ni gf. Dedma sa amin! Maya-maya pa, nanggigigil na si bf! Medyo nakasabunot na kay gf. Hahaha!

Boyet: Di ka naiinggit??
Sasha: Okay ka lang ba?! Bakit ako maiinggit? Gusto ko bang dito sa FX lafangin ng fafa ko?
Boyet: Ako gusto ko... lafangin ng fafa ko! Hahaha
Sasha: Kayo na lang!
Boyet: Letch ka! Pa-demure! If I know... kung si ano... go ka!
Sasha: Excuuuuse meeee!
Boyet: Aminin mo! Ipokrita kang vakla ka!
Sasha: Tumahimik ka nga dyan! Ang ingay mo kaya.
Boyet: E ang arte mo e! Para halikan lang...

Tumigil yung dalawa sa harap namin. Naglingunan kasi yung mga nasa-FX, pati si manong driver. Umayos na sila ng upo. Nagkatinginan kami ni Boyet...

Sabay tawa! Drama namin yan! Badtrip yung dalawa e! Nakakainggit nga! Bwahahhahaah... Joke!

Hmm... I'm sure rin meron na kayong na-encounter na ganyan. Or kayo'y guilty ng ganyang eksena. Hahaha! Aminin!

*** I will upload another entry about some blogger friends kaya lang tonight na. I'm still thinking of the right words... ***

21 comments:

bianca said...

wow. ako first!!! hehe. : ) Di ako naiinggit sa mga ganun!! NAIIRITA KO!!! seryoso! Pag nasa LRT nga ko, parang ang sarap sumuka pag may nakikita kong ganun. Kapag O.A. na masyado! Pfft. Kaasar!! Wag ka maiinggit : ) Time will come na ikaw naman, este TAYO naman yung may kayakap.. hahaha. Pero promise, di ko gagayahin yun!! NO WAY. ick. haha.

Ingat ka : ) Bisita ka ulit if you have time! Uy mag-share ka dun sa post ko ah!! hehe. GODBLESS ; )

sasha said...

Hahaha

Naku, Bianca, biruan lang namin ni bakla na nakakainggit pero sa totoo, super irritating talaga!

Pero nakakatawa pa rin panoorin sa totoo lang... nde makapagpigil! Nyahahaha

Darating yang time na yan, girl! Yung tayo naman ang di makapagpigil... hahahaha kulet! :))

Cge dadalaw ako dyan... eto na ako! pfft!

qroon said...

lafangan ba kamo? he he he, mas malupit ang nasaksihan ni penoi kagabi sa isang kapihan. laflafan ng dalawang guys. sayang nga lang at di nya nakuhanan ng picture :P

sasha said...

Hahaha

Nakakita na rin ako ng personal nyan, Qroon! Si Boyet ang isa sa bida!

Nyahahahah

ghee said...

yay!blogger beta ka na!ano sa tingin mo?maninibago lang sa una ang mga commentors mo,pero pag nasanay,oks na..dati,di rin ako makapagcomment sa iba,pero ngayon,log in ka lang sa blogger beta acoount mo,pasok ka na!

uuy,talaga?mabango sha?hahaha!

grabee naman yang dalawa,sa FX pa,manong namili ng lugar,o kaya sumakay na lang sila ng taxi na sila lang ang passenger,hmpft!

buti nmn at napatigil nyo,haha!

sasha said...

Tawa nga kami nang tawa,te ghee! Gigil na kasi si bf e! Hahaha

Oo mabango siya... hay... at ang ganda ng kamay... hahaha

Weekend na naman! Sana maka-YM uli tayo :))

Vince said...

pwede bang ikwento ko saiyoi ang aking experience then ikaw na lang din mag-post? kaya lang medyo malaswa... serious...

sasha said...

Hahaha

Sige, kuya, go!

Ita-try kong bigyang justice ang pagsulat nyan. Serious.

:p

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

ej, kung ganyan qualifications nya, di lang crush ... maiinlab ka pa! :D

ala namang masama sa crush, kahit por d rest op ur layp pa ... wag lang mautot sa harap mo dahil sigurado turn off na byuti mo, pero kung di naman, abah eh baka lab na iyon! ;)
ako nga kahit sa babae nagkaka-crush (paghanga!!!) like kay Angelina Jolie, sa Lara Croft lang naman ha, pero noong naduling si Brad sa kanya ... sarap sabunutan ng lokah! hahahah

fayenget said...

hahaha! ano ba yun! nahiya siguro sa inyo yung mag-bf/gf..

sasha said...

@Nyahahahah

Panalo si Ate Neng! Nagkasabay sa elevator nautot pala! hahaha Maiisip ko yan pag nagkasabay uli kami sa elevator! Hala!

@Faye... nahiya nga! hahaha

ofeliajoy said...

nung hs may crush din ako. pamula 1st to 4th year. as in talagang patay na patay...as in kahit di na niya ko ligawan basta sabihin lang niyang kami na eh papatusin ko hehehe tapos biglang naglaho nung mag college ako yung kilig ko para sa kanya eh yun pa naman yung time na kinakausap na niya ko.... ewan kawasa naglaho... pasensha siya. :D:D:D

tina said...

ok lang ung crush. meron naman talagang ganyan.. ung crush mo lang sya.. at hanggang dun lng. ahihi.

at mabango pa? plus points! hihi

iskoo said...

kakatawa naman yung pang-aasar nyo sa mga naglalampungan sa fx, hehe. dami nga ganyan, may case pa nga mas grabe pa ginagawa sa bus, akala nila di sila nakikita :)

sasha said...

@Mama Joy... hahaha! Naintindihan ko. Ganyan din ako minsan magwento! Hahaha

@Oo Tina! Ganyan si HS crush ko heheh...

@Iskoo... Nakakaasar kasi e! Parang sila lang ang tao sa FX! Ayun, naisipan namin ni Boyet asarin. Hahahah

tin said...

naku, naiirita talaga ako pag may nakikita akong ganun! mga PDA!

ibig sabihin ate sasha, di ka pa naiinlove???

ikay the dancer said...

wahahaha.. kainis ung mga ganun kaya. :) haha. naku kung ako nasa likod nila.. baka nasabihan ko na un. amf. maxado kasi akong bayolente. hehe!!

potpot said...

wow.. lafangan ang drama. mejo natawa ako dun achie huh.. hehhee. :) shen.. kakaiba .. buti hindi pa ko nakaencounter ng ganun.. hahhaa,, :)

tekla said...

susmaryosep, santa barbara! kapag nakkkita ako ng ganyang eksena ako ang nhihiya sa mga pinaggagawa nila..patawarin nawa sila...pati inosenten kong mind nahaharass nyahaha :)

Tsina said...

hahahaha!!! AKO ATE SA JEEP MERON.

Grabe, di man lang naawa sakin yung dalawang mag syota! NAGKAKAGATAN SILA SA HARAP KO!

ayon lang sharing, hahaha! ewan ko kung mandidiri ako o matatawa eh. lol!!!

sasha said...

@Tin... 3x na po ako na-inlove hehehe... nakakairita ano? lalo na kung mag-isa ka sa harap nila! hahaha

@Ikay... wag naman tayong bayolente, hija. hahaha

@potpot... shobe, count ur blessings! :D

@mam teks... inosente ba kamo? hahaha

@Tsina... LLS, baka naman may lahing aso yung dalawa?? Hahaha

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile