Oct 26, 2006

Bangengeng Thursday

Kagabi, bandang alas otso ng gabi habang paakyat sa lugar namin, may tumawag sa akin sa mga lola ko… si Boyet... Ang aking kababata. Almost 2 years ko na siyang di nakikita. Grabe, mamang-mama na siya! Tangkad at tisoy pa rin! Galing ng Dubai ang loko at hinahanap niya raw ako maghapon. Ako raw una niyang pinuntahan paggaling sa airport! Dapat ba akong kiligin o hindi? Hindi! Hahaha

Nagkuwentuhan kami sandali sa may mga lola ko… After a few minutes, tinanong ko na siya ng diretso bakit hinahanap niya ako. Friends kami pero hindi naman kami close talaga. Nagte-text paminsan, YM pag natiyempuhan… but that's the extent of our friendship.

She, ikaw magsabi kay mama na I'm gay!

Muntik ako malaglag sa kinauupuan ko! Ikukuwento raw niya lahat sa akin basta sumama ako. Si ako naman, lumabas pagiging tsismosa ko, oo agad! Ayun, nagsinungaling sa bahay… kunwari kasama si Shen at punta kina Tim. Hindi ko pwede kasing sabihin na sasama ako kay Boyet at baka akalain kung anong gagawin namin! (Shen, siya yung sa tapat nina mama nakatira... you know him...)

Ito ang mga pinuntahan namin magdamag:

9:30PM Heaven and Eggs T. Morato - Dinner pa lang yan at nagkuwento na siya. Asus, bumaha ng luha at lahat ng waiter nakatanghod sa amin!

10:45PM Starbucks T. Morato - Ni-meet namin si Aris, partner niya. Pareho silang tall and handsome. Letch! Kaunti na nga lang ang single na guys… hahahah desperada! Nung sinabi ko kay Aris na ang konti na nga lang ng single guys na pwede kong i-hook, hinalikan ako ng bakla! Pagkatapos, nagtawanan sila ni Boyet! Letch! Walang effect sa kanya halik ko! Hahaha

12MN Baywalk - Inuman na. Umuwi na rin si Aris ng past 1AM.

2:30AM Somethin' Fishy Eastwood Libis - Breakfast kami, gutom na naman e!

4AM New Manila - Naglakad-lakad kami. Buti di kami dinampot! Hahaha

5AM Baywalk uli - Nagkuwentuhan habang umaambon! At dahil nage-emote si Boyet, di ako makasingit para sabihing lumalakas na ang ulan!

7AM Uwi sandali para maligo at magpalit ng damit

8:20AM Starbucks Insular Makati - Ayaw pang umuwi hinatid pa ako at nagkape pa kami.

9AM Late na ako ayaw pa rin akong papasukin sa office! Buti napilit…

O di ba ansaya namin? 31 hours na akong gising! Huli kong ginawa ang ganito nung 4th year college pero tambay lang sa isang resto hanggang magsara. Grabe, hindi ko na alam kung inaantok ako, sinisikmura, nahihilo o lumulutang! Bangenge sobra!

Dahil hindi naniniwala si Boyet na I can remember everything we've talked about at siguradong nalusaw na raw utak ko sa dami ng ininom namin, ire-recall ko lahat for him…pero ito lang yung gist ng nangyari...

May gf siya dun din sa lugar namin (eto alam ko). Ang pangako niya, because he's already 30 years old, pag-uwi niya from Dubai, papakasal na sila… almost 3 years na sila ni gf. Nagpunta lang naman siya ng Dubai para makapag-ipon for the wedding (eto di ko alam talaga). Nakilala niya si Aris sa trabaho. Ayun, naging close raw sila sobra hanggang nagulat na lang sila, sila na pala! Mag-1 year na sila this coming December. Yung details kung paano sila na-develop sa isa't isa, natatandaan ko pa pero nde ko na isulat. Mahalay masyado! Hahaha

So ngayon, ang problema niya, kung paano sasabihin sa kanila na gay siya. At yung girlash, naghihintay siyempre sa kanya. At dahil mas close ako sa mama niya kesa sa kanya, ako na raw ang magsabi… Paano ko nga ba sasabihin??

Bukas ko na isipin… nalusaw na nga yata ang utak ko sa dami ng ininom namin! Sira ang diet ko! Ambaho namin kanina dahil sa lakas niyang manigarilyo! Sinisipon na ako ngaun dahil sa kwentuhan under the rain…

Ganito yata talaga ang role ko sa mga friends… confidante…taga-monitor… shoulder to cry on...

Nandyan pa siya sa Glorietta at natutulog sa sinehan... Buti pa sya natutulog… Kanina kausap ako ng boss ko about retirement expense, yung utak ko gusto na rin mag-retire… sa kuwarto! Haay...

Pero hyper pa ako, pansin mo sis?

37 comments:

hazimeister said...

o-oh! that's one heck of load u got there.

Goodluck! :)

im sure his mum will understand.

kung san nga ba masaya ang tao dapat supportahan diba? hehehe!

sasha said...

exactly! kaya lang i'm torn kasi... his family would be devastated when they'll get to hear the truth. lalo na at conservative family nila...

at syempre si gf di ba... hay...

Anonymous said...

haiyah!..paano nga ba sabihin? kung ako sa inyong dalawa...unahin niyo ang GF ,pagtulungan niyo...lasingin niyo rin hehe..hmmm, ewan lang,para sa akin 'yun ang una kong gawin.kasi ang family kahit ano pa siya tatanggapin pa rin siya esp ng mom niya.
matulog ka mamaya, pagkagising mo...isipin mo na hahaa!goodluck!

biro mo 'yun? walang tulog, nakainom...nakapag-update pa lol! ibang klase talaga ang sashing...

sasha said...

sinabi mo sis! tindi ko nga minsan... hehehe... may mga pics pa akong nakuha nyan pero di ko ma-upload e...

mahirap kasi sabihin sa gf agad dahil baka sya pa ang magsabi sa mama ni Boyet! saka ang mahirap nito, may sakit pa sa puso mama nya kaya baka atakihin sa sama ng loob... di bale, kapag nakatulog ako baka makaisip na ako ng paraan! hahaha

Mmy-Lei said...

better tell the truth and hurt now.

hahaha, maraming ganyang kaso dito na nangyayari. meron pa nga may pamilya sa pinas pagdating dito naging gay rin. destiny siguro nila yun.

sasha said...

Baka nga ano, mmy lei? Kasi siya, kilala ko siya since bata pa kami e. Crush ko nga siya dati! And alam ko nga na may gf siya tagarun sa amin. Pero sabi niya, na-realize nga raw nya na iba sexual preference niya when he met Aris. Ayun... it may not last daw pero at least ngaun di na raw siya confused.

yorokobee said...

superwoman ka friend!! lang tulog yan hah, nakainom pa at nakapagtype pa! buti hindi lumutang sa paningin mo ang keyboard?hehehe

that's what friends are for...karamay all day and all night long! hala pano nga ba yan? goodluck! update nlng kung ano result pagnasabi mo na,haha tsismosa!

Anonymous said...

grabe to the max naman itich!

pati ikaw nakaproblema din. ang lupit mo sashing wala kang tulog! sleep ka na muna.

sasha said...

@pretty Bee... tumpak! superwoman ito! nakapag-sign pa ako ng vouchers nyan ng sandamak! hahaha

umiikot na nga paningin ko kanina pa, super hilo pa ako... pero ok lang.. tagal ko na rin di nakatambay ng gabi sa labas hehe

@mousey... di pa pwede matulog at baka mahuli ni bosing hehehe

mamaya na... sana...

vince said...

Pansin naman eh, kahit sa chats hahahaha!

sasha said...

Ano ang pansin kuya? Hyper pa ako? hahaha

Wait mo pag tayo ang lumabas... taob ka sigurado! hahaha joke lang! Tequila tayo para ayos! nyahahah

ate cha said...

ang tibay mo kumare!
pero you're a nice friend!

Its nice of your friend to ask you to talk to his mom about it. But if I were in your situation, I would advise him to take courage and tell the truth himself. I would accompany him , to help sakaling bugbugin siya ni father dear! *_*

But this is an important family matter and families should talk to each other!

good luck, sana you muster the courage to talk to his folks!

sasha said...

Honga ate cha! Bakit ako nga ano? hehehe

Wala na sya father.. mabuti na nga lang kasi matapang papa niya sobra! Yung mom nya mabait naman kaya lang alam mo yung typical filipino family sila na pati aunties nya nakatira sa kanila. so malaking ingay if ever. Bahala na... bukas pag nakatulog na ako, makakaisip na ako nyan! hahaha

And malamang ganun na nga gawin ko... to encourage him to talk to his mom. Samahan ko na lang sya :)

Anonymous said...

woo.. todo na yan!

Good Luck na lang.. hehe..
pero siguro naman mas ok yung malaman yung totoo kesa forever siyang magtatago ng ganun kung ano nga siya.. ^_^

CeEjAy said...

Billie Joe Armstrong - green day
Chester Bennington - linkin park
Jon Bon Jovi - bon jovi
Bono - u2
Brandon Boyd - incubus
Alex Band - the calling
Pierre Bouvier - simple plan
Kurt Cobain - nirvana
Fred Durst - limp bizkit
Eric Dill - click 5
JD Fortune - inxs
Jon Foreman - switchfoot
Noel and Liam Gallagher - oasis
Daniel Johns - silverchair
Mick Jagger - rolling stones
Anthony Kiedis - red hot chili peppers
Chad Kroeger - nickelback
Alex Kapranos - franz ferdinand
Amy Lee - evanescence
John Lennon - the beatles
Adam Levine - maroon 5
Joel Madden - good charlotte
Chris Martin - coldplay
Freddie Mercury- queen
Tyson Ritter - all american rejects
Axl Rose - guns n' roses
Nicole Scherzinger - pcd
Gwen Stefani - no doubt
Patrick Stump - fall out boy
Scott Stapp - creed
Corey Taylor - slipknot
Rob Thomas - matchbox 20
Steven Tyler - aerosmith
Brendon Urie - panic at the disco
Gerard Way - my chemical romance

HerShen said...

hello! wow i never knew that mayron palang boyet na nag e-exist sa kaliraya! heheeh joke lang

anyway...as what SHE told me i knew you..or ill remember you when i get to see you ..but as for now im still puzzled who you are and with all the story that SHe told me.

But heres one piece of advice man..

Since youre already at ur age and u have something to reveal not only for ur family but for the world..u better takecare of yourself ...start living along..you need to make it up on our own.. YOU better think well. Since you just arrived and yes u got money for now..you ahve to spend it wise ..i think you better find a small place or a room for your own .. coz when the time comes that ur ready to tell them who you are.. it could be hell its either they'll kick you out the house or you may stay but they will not talk to you and you ahve to live with gossips around the neighborhood...well if you can live by that .. you may stay with ur family but im just giving you the idea of whats the worst thing could happen so you may get readdy about it.

look our society doesnt agree all the time with that kinda thing.. especially you that all your life people knew you as the MAN.... the GUY not the GAY!

i know how hard it is to be in that position wer you dont know who you going to trust...but good thing you had SHE... well your secrets safe..... from US ehehehe coz i already knew it :)

and by the way.... next time naman mag aya kayo sa gimik .... kainggit eh eheheheh ...

you may never know me ... but penge pasalubong heheheh! :)

for now u better find your self a place to stay for the mean time theres a lot of hotels apartelles that are cheap so you may rest you self and mind ..relax and you can think clearly.... and also so you may gathr ur things safely.

come one dude! before you can fix ur problem .. fix ur situation first! by then .. youll be able to think clearly....

i know it will not change how you feel being like that ..but think fo urself first... not the people around you..what if one time theres no SHE available for you what are you going to do ... go to the mall and eat there and sleep there... etc!...

come one its either you go home now and deal with it already ..or if ur not ready .. just find a place! ..what ur doing ryt now will noe solve the problem!

well takecare... i believe you and SHE are going out ..so takecare! ... pauwiin mo yan ..baka maghalo ang alat sa tinalupan at magwala ang daddy niyan .. LAGOT TAYO PAREAHO!

tina said...

ganyan nga minsan.. oh well.. tama nga si Avy buti nang malaman ng family at ng girl ang totoo. :)

Anyway Be Blessed

shai said...

sis, salamat sa visit. =)

i pity the girl. naghintay siya tapos meron na palang iba, what's worse, lalake pa yung pinalit. i have nothing against men, pero diba, may naghihintay sa kanya =(

kepyang said...

ate sasha!!

ang gan ng post mu ahh..hehe..nagpapakita ng pagka true prend mu!!

ayos naman si kuya boyet este ate na ngayon!baka naman mababago pa yung katauhan nya!kawawa naman yung girlaloo...hayz...

sayang naman!

Anonymous said...

achie!! ang tindi!! wah! ang tagal mo na gising at di ka pa din antok?? kung ako yan, 12 hours palang di ko na kaya!! wah!!... achie, pahinga ka na!

paknerkneeko said...

wheeew.. dapat saBIHIN na niya sa mama niya na bading siya.. malay mo, suportahan pa siya.. patayuan ng beauty parlor hehehe...

grabe ka naman pakner... lasengga ka pala hayyyy

Anonymous said...

lam mo u r not in the right position to tell who he really is but himself. He has to accept what ever the cosequences r. That's his life and he has to face it...

joy-joy said...

swerte naman niya at meron syang friend na katulad mo.

sasha said...

@Avy... todo na ano? hahaha! Pero tama ka, much better na malaman na ng mama nya bago pa malaman ng iba :)

@tina... gusto na nga nya sabihin sa girl kagabi. Natakot lang sya na sumugod yung girl sa bahay nila at sabihin sa mama nya.

@shai... i pity the girl as well. Kilala ko rin yun since bata pa kami. At masakit talaga na sa lalaki ka pa pinagpalit! Pero ganun talaga e...

@kipay... tru prend ba? Mabait lang talaga siguro ako sa lahat ng friends at gustong makipag-friends sa akin! hehehe

Okay na siya. Bumibirit pa kagabi ng All Out of Love e! Hahaha... Uuwi na siya sa Sunday. Baka sabihin na niya... Baka pa lang at dinadaga pa siya! hahaha

@shobe potpot... hahaha 12 hours ka lang? Oks yun! May nagsabi sa aking ang sobrang pagpupuyat daw ay nakakataba... Ayaw nating tumaba di ba? Kaya mabuting wag magpuyat ang shobe... hhehehe :)

sasha said...

Shen...

pare, napangiti siya sa mga sinabi mo. nabasa nya kagabi. kayo na lang daw pakasal pwede? pero papayagan mo raw siya mag-fafa! hahaha joke!

andun siya sa tito warly ko tumutuloy muna... sa Sunday uwi na siya sa kanila pero di pa sya sure kung sabihin na nya... dinadaga pa si bakla... he can't leave his mom daw kasi super love nya kahit na tinatalakan sya lagi. naguguluhan pa sya kaya ayaw pa nya umuwi. yung mga bagahe nya kinulong ni tito abon ko sa kulungan sa barangay! hahaha! yung mga chocolates na iba nalusaw na! kinain namin yung iba kagabi hahaha sira talaga diet ko sobra!

anyways, you'll meet him (again!) sa Nov 3... kayo ni kuya :)

sasha said...

@kneeko pakner... hahaha! parlor ka dyan! anlaking mama nun para gumupit... hahaha

at nde naman ako lasengga noh! para ilang bote lang naman... hahaha... minsan lang yan :)

@anonymous... i know naman. But kung friend mo ba yun tapos iyakan ka at mag-beg sayo na help mo sya ano sasabihin mo? Wouldn't you even hold his hand while telling everyone about his sexual preference? I don't meddle in others people's affairs esp. nde ko close... But I won't leave a friend when he or she needs me :)

@joy-joy... nde naman gano! hahaha *blushes*

iskoo said...

oarang sayo pinasa ang problema nya, hirap ata magtapat sa bading sa magulang, di kaya masapok sya ng tatay nya kung malalaman yun?

dapat sabihan nya na rin yung babae kasi unfair yun kung umaasa siya na papakasalan.

sasha said...

iskoo...

mahirap nga lalo na kilala ko buong pamilya nya at conservative family sila. pero ganun talaga... he needs help kaya eto lang ako :)

sya rin naman magsasabi nun, i'm sure of it. kailangan lang nya ng moral support sa ngaun...

ala na sya tatay, thank God! kundi lagot talaga sya dun.

Anonymous said...

grabehhhh,31 hours???hyper ka pa rin?hahaha! eto pala ang story nung msg na iniwan mo sa taggie ko :)

hmmm,masyadong complicated nga ang situation nya...pero,his family will surely understand him naman siguro..

masakit lang sa gf nya,oh well,masakit yun ba..3 yrs kayong on,yun pala ang passion nya ay guy din?pero,uso nman yun db?mga gays ay nagpapakasal na rin nmn :)

well,you re still lucky dahil your freinds count on you :)
Keep it up,Sash!!
happy weekend!

ikay the dancer said...

uhh.. i think, better to tell the gf first. :)

maiintindihan un ng family niya.. :)

pero para sa gf? it's hard.. *trust me. naexperience ko un.* pero ibang situation blah blah. pero gender ang issue..

basta ayun.. mas maganda kung gf muna.. :)

tc. :) tulog ka na po. :P

Anonymous said...

I pity the girl, hindi biro ang 3 yrs. Yung mga dreams na binuo na nya. Kaya lang mas ok na rin yung ngayon pa lang malalaman na nya. Totoo sabi ni mmy lei, napakarami dito ang ganyan, lalaki sa pinas pero pagdating dito natutuklasan nila na gay pala sila. At yung iba nga ay married pa with kids.

rHo said...

susme sis! kakaiba ang enerhiyang taglay mo! hahaha! nakaya mo yun, buti at nakapasok ka pa ng opisina! tulog ka pag-uwi mo, saka mo na isipin pag hindi ka na bangenge! hehehe!

gudlak sa inyo!

Pipay said...

Hahaha! Wag syang babalik dito, hahantingin ko sya...magppakulot ako! eheheh. joke lang. 2 hours drive lang ang Dubai mula Abu Dhabi..masarap palang kakwentuhan yan non-stop!

Paano ngayon, anong balak mo?

Balitaan mo kami agad ha.

howling said...

HAHAHA!!! I can totally relate to what you're doing. I know a lot of gay friends, and to be honest, you may have given too much time to him: more than you should've, really. I am yet to meet someone [gay] who will stick to one partner. They probably are the loneliest people in the world, or they just can't keep their 'peckers' to stick to one pecker 'sparring partner'. Case in point is my bestfriend who I've wasted too much time with: listening, advising, feeding etc.. if not for him, I would probably still be a homophobic dick head. Next time you know it, he would find another lover or may switch back to being a man again. They are that 'confused'... My advise: let him sort out his own mess. You are only there to support him.

Cheers!

PS: I added you up on my Blog Links. Hope you don't mind.

sasha said...

@ate ghee... hahaha! 42 hours ang tinagal ko! 6AM Wednesday gising ko, 12MN na ng Thursday natulog! O di ba, ang galing?! har har

sana nga maintindihan sya kasi conservative mama nya... ala na sya tatay kaya mas madali hehe... wawa si gf talaga kasi clueless syang ala na sya bf pala! baka sabihin na nya bukas... dinadaga pa kasi e nandun sa mga tito ko.

happy ako when friends come to me for advise or help (wag lang finances kasi ala ako nun sa ngaun! hahaha)... saka sanay ako te ghee kasi HS pa lang, puntahan na ako :)

@ikay... mama muna nya before the gf kasi baka magwala si gf at sumugod sa bahay nila, mahirap na! masakit sa umpisa kay gf pero eventually si Boyet din kawawa dahil habambuhay na nya dala yung confusion nya sa ngaun e... si gf makakakita pa rin ng new bf yun... :)

sasha said...

honga ate ann... wawa talaga si gf, kilala ko pa naman! kaso nde rin naman ginusto ni Boyet na magkaganun sya e. sasabihin na nya sa Sunday sa mama nya, hopefully! dinadaga pa kasi sya.. kwento nya sa akin na yung isa pa nyang kasama sa bahay, may parang "asawa" rin dun at married nga dito sa Pinas... hay... delikado talaga kapag magkalayo ang mag-asawa ano?

@rHo... sis, 42 hours ang tinagal ko! longest na gising ko yan! hahaha.. nanlata nga ako ng sobra! parang nakakatamad tumawa, hilong-hilo, sinisikmura... pero okay lang naman hehe.. kakaibang experience! :)

@mareng pipay... hahahah! sobrang natawa ako dun! cge at sasabihin ko sa kanya na ikaw ang susunod na ikukulot nya, ako mauna! hahaha

2 hours lang ba? Anlapit na rin pala ano? honga, nonstop si bakla magkwento! as in! nagising nga ako ng 4am nung Friday, aba, tinatawagan pa ako at gusto magkwentuhan kami!

Plan namin, kung di na sya dinadaga, kausapin mama nya bukas. Yung tyempong galing ng simbahan para mellow pa, hahaha! Tapos, hahawakan ko kamay nya habang confess sya ^_^ Goodluck sa amin!

sasha said...

howling...

This is the first time I've given too much time to a friend. 42 freakin' hours?? But it's worth it! He needs someone to lean on right now and I'm glad I've given him that much :)

You're right, though, they are confused! Do you know that last time we talked, which is about a 3 minutes ago, he's thinking of just breaking up with Aris and making a go with his former life??

But he changed his mind again! Hahaha! We'll see if he musters enough strength to spill his guts tomorrow :)

And thanks for adding me up to your links! Add din kita ha :)

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile