Sep 8, 2006

Samu't sari

Hey look at the sun
It's finally shining on my life
It's shining on my life
And it's all because of you
It's finally shining on my life
For me and for you

Late na naman ako! At least once a week nale-late ako for one reason or another. Kanina ang reason ko, california maki! Kung bakit kasi ilang araw na akong nagke-crave dyan sa pagkain na yan. Kahapon dapat kain ako nun kaso daming tao sa Teriyaki Boy kaya sa iba na kami kumain ng kasama ko. Dun sa sinasakyan ko sa may Suki Market, may malapit na bilihan ng mga sushi. Mura lang. Kaya nung makita ko kanina, buy ako agad. Ayun, pagdating ko sa pila ng FX, wala ng FX! Nag-text na lang ako sa aking boss para sabihing mahuhuli ako ng pasok ngayon. Sabi nga ni Nona, ayan daw kasi inuna ko ang pagkain, hehe!

Ngayong lunch naman, I had caesar's salad. Ilang araw ko na rin kine-crave yun. Dami kong cravings! Nyehehe! Next on my list… sisig! :)

***

Nanonood ba kayo ng Super Inggo? Natutuwa naman ako kay Makisig. Tuwing nagsasabi siya ng "pare!" at "'tol!" at "aning!", napapangiti ako. Pati 'yung gumaganap na kaibigan niya, kahit bulol nakakatuwa. 'Yung innocence nila plus 'yung unconditional love nila for their moms…

La lang… Natuwa lang ako. Obvious bang walang mapanood sa gabi, pakner?? hehe

***

Devilicious, I miss my mom so much! First death anniversary niya on September 29 :(

***

Napapansin ko lang na lagi akong nahuhuli sa pag-comment sa new posts ng aking fave bloggers! Kung bakit naman kasi dito sa office, nagloloko lagi ang connection namin. Kung makalusot man, di naman ako makapagbasa nang maayos kasi biglang sumusulpot sa likod ko ang aking boss. Kaya pasensya na kayo, friends, kung nahuhuli lagi ang komento ko. Bawi na lang pag Friday evenings :)

>> Sarado na nga pala ang kapehan nina B1 at B2. Ano kayang dahilan? Paging Inkee and Ma'am Teks!

>> Si manong KD pala ang hubby ni ate Ann! Kailan ko lang nalaman. Kahiya ahihii!

>> Si Rex naman ay nagpa-highlights ng blue! Astig!

>> At si Kneeko?!? La lang! Paknerrr!!!!

19 comments:

nlz...... said...

para kang naglilihi ah!hi hi. Ceasar salad dinner ko kagabi tinamad ako magluto ewan ko ba, kumain na lang kami ng kids sa Volare,'lapit lang dito sa amin.Out of d' country kc si hubby, dapat kasama ako kaso la pa ko maid.
buti na lng layas ako kaya napagtanto(lalim) ko kaagad si KD and Ann...mag-sweetie :D
kd-ni-ann at ann-ni-kd ang link name nila sa akin...

melai said...

salamat sa kanta at sa pagbisita :)
sorry for your mom at gustong gusto ko ng sisig..pampulutan ata yan :)
si Super Inggo nakaka aliw lang kasi diba makisig ang name pero payatot ..eniweys parang tunay na tunay kasi ganung ganun ang mga batang kalye yung sigawanng sigawan..actually yun lang ang pinapanood ko sa TFC saka GameKanaba :)

paeng said...

hahaha! aus lng un! sarap kumain e! khit na malalate! kain lng! :D :D

Jigs said...

Hello Sasha! Namiss ko ang bisita ko dito!!

Hindi pa ko kumakain sa Teriyaki Boy! So Lame!

Yung auntie ko pinapanood yang Super Inggo. Natutuwa rin kasi sya sa mga child actors! :)

Devilicious said...

Ha??? palabas na yung Super Inggo??? tsk.. badtrip naman.. tgal ko panman inintay yun.. :(

Naku.. nlungkot nman din lalo ko.. i know how u badly miss your mom.. :(

pero ok lang yan.. cheer up ok?

im sure she's happy..wherever she is right now..

love u po!!!!!!

karmi said...

hi sasha.. ^_^

yup, nanonood ako ng Super Inggo.. hehehe, buti na lang may TFC kami! right after sya ng Bituing Walang Ningning dito.. ang kyut ni Makisig.. hehehe..

wow.. sisig!!! waaaaaa.. ang sarap lang ng sisig ng Dencios! hehehe

buti na lang sa opis, internet to sawa! hehehe.. kaya rin updated kahit papano sa mga nangyayari sa blogging world...

i know your mom is happy wherever she is right now.. ^_^

hehehe, pansin ko lang, halo-halo ung comments ko..

Momel said...

ha haaa

ako naman ay palaging late gawa ng aking pagiging tulog mantika at ng five-minute habit.

kakaloka!

I like the blue pala. I'm thinking about painting our room blue kasi yun ang gusto niya, pero I'm still thinking about it. But anyway, masarap sa mata ang ka-blue-han mo ha! Pangmalakasan itu!

Cheers!

sasha said...

@nona, paeng... sarap kumain talaga! hehehe

@ate melai, kakantahan uli kita mamaya :)

@jigs, ok sa TBoy. Affordable food nila and yummy!

sasha said...

Devilicious dear, last week lang nagsimula. Aliw siya pramis! :)

I know naman happy na rin sye wherever she is right now. Kaso cant help but miss her. Lam u bang nami-miss ko yung paghatid nya sa akin sa gate pag umaga, tatanungin kung dala ko payong ko, yung watch ko ba suot ko, may naiwan pa ba ako, etc. Saka yung titignan ung likod ng suot mo kung may nakasabit pang buhok dala ng pagsuklay mo...

Hay...

Lab u too! :)

sasha said...

Ang kyut niya noh Karmi?! Saka nakakatuwa yung pagdeliver nya ng lines nya. Saka I didnt know na ganda boses nya, hehe!

Tumpak ka, sarap ng sisig ng Dencio's! Nagutom tuloy ako dun :D


@Momel dear... five-minute habit sa umaga ba yan? hehe Ako naman 30-minute habit :)

Paint your room blue... Soothing! Saka pagbigyan mo na sya :)

Lab u!

kneeko said...

pakner...... hapi weekend dyan...

wala kami tfc kaya di ko napapanood yan tsuper inggo hehehe..

yup masarap sa tBoy, dun sa may megamall in betwn ng bldg a & b katabi ng starbucks... tambay muna doon pag may inaantay ako hehe..

dami mo naman pinaglalawayan ng pagkain wheeewww...

tekla said...

sarap nung salad miss n nmin ni clown yan.

may konting problem lang ang blog nina B1 at B2..hopefully maging ok na at mapainom ka n ulit nmin ng kape :)

rex said...

aba, at may libreng plug pa ako dito, hahaha!

naku, may T-boy pa naman sa Katips.. masubukan nga minsan.. baka naman mahal din dito.. =p

Ann said...

Uy! Extra pa pala kami ni faffi dito. Halata bang walang bakanteng oras...hehehe, parehong blogger.

May mga times talaga na parang gusto mong kainin yung isang pagkain kahit di ka naglilihi.

potpot said...

hehhee... masarap ang california maki.. yumy!!

sasha said...

yipee! at babalik din naman pala ang kapehan ng bayan :)

@Rex, affordable sya... pero kung student medyo once in a while lang siguro kasi baka ubos allowance, hehe :)

nakakatuwa nga kayo ni manong KD, Ate Ann! bloggers pareho! :)

purple princess said...

tara sisig tayo! hehe.. :) kakatuwa ka talaga.. :) parang daming chismis nakalagay.. hehe.. dami ko tuloy nalaman kahit di naman ako makarelate! hehe..

god speed and take care! :)

ghee said...

teriyaki and sushi?hmmm..

come here Sasha,I ll treat you some :)

thanx for ur warm comment.

love yah,gurl!

Rachel said...

hehe ako din e minsan ang dami kong gustong kainin kahit na ano pang sagabal basta gusto ko kumain go agad ako. hmm nakakatuwa nga ung super inggo, ung babae ang arte magsalita ang bata bata pa pero kakatuwa sila.

have a nice day!

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile