Sep 11, 2006

My Past Chuvaness... Wehehe!

Dahil sa post ni Nona about dun sa babaeng iniwan ng asawa, naalala ko tuloy ang aking nakaraan... Nakakahiya man pong aminin, ako po'y na-involve sa isang lalaking may asawa na. Opo, tama ang inyong nabasa. Nakilala ko si Dork (not his real name) thru YM (I know, I know… ano ba naman ako kasi sa ganung paraan ko siya nakilala). Hindi naman iyong tipong nag-YM lang para makahanap ng boyfriend ha (uy defensive! Hehe). Nagkataon lang talagang nakilala ko siya. I was surfing the net that time, bago pa lang ako sa blog world, nung makita ko iyong isang tagline na nakakuha ng atensyon ko. Masipag pa akong mag-YM that time kaya I sent him a message. After an hour or two, he was online na kaya ayun, dun na nagsimula ang pag-YM namin daily. We became friends muna bago na-develop sa kung saan ang lahat.

Take note, hindi po ako pumapatol sa may asawa! Takot ako sa karma at ano naman ang kapupuntahan ko sa ganun? Ang daming lalaki dyan, di ba Mam Teks? Oo, alam kong married siya pero ang buong pagkakaalam ko, separated na siya for a couple of years. His ex-wife was living-in with another man na that time. They had two kids, the first one died when he was five years old and the other one is a girl, that time twelve years old na. This was confirmed to me by his cousin whom I met together with some of his friends. Naniwala ako sa cousin niya kasi bukod sa girl ito, naging friend ko na rin kasi. Blood is thicker than water, 'yan ang isa sa mga natutunan ko sa kanya.

Maya't maya ang tawagan namin at nagkikita kami once in a while. Mahirap makipagkita sa kanya on a weekly basis kasi medyo may pagkamanyak ba! Takot akong mabuntis e! Not until I'm 35 pa. Di ba, ate Ghee? :)

Professor siya sa isang university. He finished Psychology kaya nadala ako sa psycho ek-ek nya. To be quite honest, mahilig kasi ako sa mga intellectual type. Yun bang tipong mas maraming alam kaysa akin. Gusto ko rin yung tipong pinagsasabihan ako kung mali ang nagawa o nasabi ko. Ganun siya e. Kaya natapilok at nahulog ang puso ko, pakner! :(

Siguro tanga nga lang ako dahil in love. Instinct told me that something's amiss. Pero binabalewala ko. Sabi ni Lem, bestfriend ko, ang lalaki lima ang karaniwang bisyo: sigarilyo, drugs, babae, sugal at alak. Si Dork kasi di naninigarilyo, nagda-drugs, nagsusugal at umiinom. E di ano pa raw ang natitira?!? Binalewala ko rin ang sinabi ni Lem sa akin. Kasi hindi siya yung ganung tipo.

Almost a year into our relationship, bigla na lang I can't contact him! Parang nagtatago siya sa akin. Ang alam ko nun, weekend yun, dumating ang mama niya at anak niya sa bahay niya at naglayas daw yung bata dahil nasampal ng ex-wife niya. Apparently, sobrang problematic 'yung girl kasi nawawala yung kinakasama. Kinuwento niya sa akin yun lahat Friday night. Saturday morning, unattended na phone niya… until Monday noon. Nagpa-panic ako kasi I thought something happened to him. Tama kutob ko! Something happened nga! Between him and his ex (na technically, wife pa rin niya!)! Inamin niya sa akin Monday afternoon. Ang sakit kasi imagine, wala naman akong laban dun. Husband and wife pa rin sila e! Pumunta raw si ex sa bahay niya para sunduin anak nila. Nagkataong pagabi na nung Sabado dumating kaya hindi na niya pinauwi. Nagkukuwentuhan daw sila about their kid and their past when "that" happened. Di raw niya sinasadya, Devilicious! Hahaha! Dati super mega iyak ako when I heard that. Ngayon, super halakhak na! I'm so over him na talaga! Thank God!

Ilang beses pa niya akong gustong balikan, TK. Pero wa epek na! Tagal bago nawala love ko sa kanya. Ipokrita ko naman kung sabihin kong hindi ako na-tempt makipagbalikan pero buti na lang at matindi kapit ko… Sabi ko nga sa kanya, kaya nga nung una hesitant ako to really give him a chance because I don’t go for married guys! Kahit na sinabi niyang nakasalang na annulment papers nila... Bukod sa talo ako sa ganung setup, takot ako sa Diyos! Baka mamaya singilin sa magiging anak ko, mahirap na! Di ba ate Ann?

Nabuntis nga pala niya si Girlash, ate Melai. Kasi nalaman kong hindi iyon ang "first" time nila. May nangyari na rin daw nung dinalaw niya dati ang mag-ina niya a couple of weeks bago iyong incident na 'yon. O di ba nakakatuwa?!? At least, instrumental ako sa pagbabalikan nila, in a way. PERO, in all that happened, feeling ko pinasakay lang ako ng mokong na 'yun e! Ang kutob ko, talagang asawa pa niya si babae at nasa probinsya lang habang siya e nagtatrabaho dito. Kaya ko nasabing naloko ako. Deny to death siya, Momel, when I told him this pero naniniwala na ako sa kutob ko ngayon.

Iyan ang drama ng buhay ko noon, Nona! Nakakatawa na lang tuwing naaalala ko. Wala na iyong dating kirot. Hahaha! Jigs, sowee at tungkol na naman sa lovelife ito :)

P.S. Sa lahat ng aking young (in age and at heart, hehe) na blog friends, learn from my mistake ha. Iba ang intuition ng babae. If it tells you something's not right, investigate. Dig deeper. Kasi malamang sinasabi nitong you're committing a mistake already (or you're about to commit one).

14 comments:

melai said...

At talagang kasama ako sa kinuwentuhan mo ...salamat naman kung ganun ..uhmmn psychology prof itong lalaking ito?? abah okey lang siya .. he definitely needs a professional help, base sa kwento mo no :) ...sabagay sa experience ko noong nag aaral pa ko .. lahat ata ng mga may problema sa buhay, may topak at kung anu ano pa diyan sa psychology department nagkita kita e.

kneeko said...

pakneerrr ano un? hehehe akala ko ako unang comment andyan na pala si pareng melai hmmmp...

sa limang karaniwang bisyo na nasabi mo... lahat nadaanan ko yan. dalawang bisyo na lang ang itinira ko.. pero kung makapag-asawa ako, bawasan ko ng isa pa hehehe...

naisahan ka ni dorky ah.... baka nahypnotized ka pakner... di kaya? hahahaha

Ann said...

Mas sanay na kasi mambola ang mga may asawa kaya ka siguro nadala, saka iba ang magic ng chatting, feeling close kahit bago pa lang magkakilala, mabilis maka develop ng akala natin ay love.

Maswerte ka pa rin at di ka tuluyang nadala ng damdamin mo sa kanya, wala kasing pupuntahan ang mga ganyang relasyon. Walang kasingsarap mabuhay ng walang tinatapakan o sinasaktang tao. Kawawa naman yung asawa nya at mas higit yung mga anak nila. Sana ikaw na yung huling babaeng niloko nya.

sasha said...

ganun talaga siguro ate Melai. magaling siya sa field na yun kaya nagamit nya sa akin :(

Psst, kneeko! Ano naman yung 2 natitira? Teka, drugs at babae ba? hahaha joke lang pakner!

Saka di siya mukhang mambobola, ate Ann. Promise! Mukhang siyang anghel... na may buntot! hahaha

Seriously, inisip ko na lang nung sobrang nasasaktan pa ako na God put me in that situation for a reason. Siguro sobrang gullible ako kaya nun pa lang tinuruan na Niya ako ng leksyon.

Anyway, sana nga ako na yung huling niloko niya.

nlz...... said...

aww..'wawa nman baby sha ko...mabuti na lang mahigpit ka kung kumapit, at least hindi na humantong sa mas malalim na hukay...at hindi ka nabaon.
hay, hay at isa pang hay....mga lahi ni ADAN tlga oo!
Well..naka-move on ka na naman eh, hamo't kapag nakita ko sumbong natin kay TULFO!
Salamat sa pag-share ng madrama mong buhay...:)

sasha said...

Tunay ka dyan, Nona! Ang tagal kong iniyakan. Umiyak dahil sa sakit na dala ng katangahan! Di ko talaga matanggap nung una na naloko ako. Imagine, several times na palang nangyari habang kausap ko pa sya! Parang si Clinton!

Nakakatawa na lang talaga! I just hope na di na maulit pa.

katia said...

wow.. never knew that one.. interesting story.. at talgang binasa ko huh.. hehe. :)

ganun pala yun.. life is so painfully cruel at times..

pero at least nalaman mo lahat before something worse could happen.. diba?

sasha said...

Like get pregnant, Katia? Yes, you're right! Thank God I found out before its too late! :)

tekla said...

ano ba ito episode sa MMK or magpakailanman hehehe...

buti naman natauhan ka ng mas maaga sashing else nabihag ka ng todo ni pshycho man...

tama ka dami pang lalaki dyan na mas karapatdapat sayu :)

Momel said...

I remember this guy eric. He confessed to having a wife and a kid on our third month. And it started when he invited me to his kid's birthday.

What happened next was a kiss on his forehead and me never speaking with him again.

Sucks, huh?

Cheers!

Devilicious said...

-GF beater..
-Impregnated his ex-gf on our 2nd yr..
-User- Literally.. oo..manghuhuthot ng gamit at pera! yun nga..
-have had 3 more side-gf's.. oo ulit..habang kami..
-Gf beater!! Gf Beater!! Gf Beater!! Gf Beater!!
-Almost impregnated one of his side gf's..

And worse.. tiniis ko pa din despite all that..

That was 2 years ago..

See??? Sasha dearie.. mas ok ka pa..kasi nauntog ka agad.. hehehe.. e ako.. almost 5 long hell-like years pa umabot yun!!!

Haay.. ganun talaga e.. charge to experience na lang lahat.. bwehehe..

basta impt.. happy na tayo ngayon.. :)

mwah! mwah!!..

sasha said...

Such assholes! What do they get from being fucking two-timers?? Glad you were so cool in leaving him, Momel! :)

Devilicious dear, didnt know that ha! Grabe, no wonder u were so allergic of them na! That gf-beater! He can go to hell for all we care!

You both take care always okay?

Luv yah sisters! Muah!

ghee said...

uuyy,kasama ako dito..teka makabawi..

nga pala,not until you reach 35.

wowww! buti na lang you got over him!!
good girl! love yah! muahh!

tutubing_karayom said...

Danun! hehe late ako sa kwentong ito.. mala charo santos din pala ito! ehheh

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile