Jul 10, 2006

Mga kuru-kuro ng ating mga nakatatanda

Gandang tanghali, fellow bloggers! Para naman sumaya tayo ngayong magandang Lunes na ito, magkuru-kuro muna tayo :D

Meron bang mga naikuwento sa inyo ang inyong mga magulang o nakatatanda sa pamilya tungkol sa mga sitsit noong panahon nila? Namiss ko kasi bigla ang aking mommy kaya naisip ko iyong mga kuwento niya. Maraming intriga noong panahon nila. Ang iba'y napatunayang totoo; iyong iba nama'y haka-haka pa rin hanggang ngayon. Naniniwala ba kayong...

  • Si Jose Rizal daw ang tatay ni Hitler. Nakita ko rin ito sa blog ni Jhay (maya na link) at ako'y itinuro niya sa blog ni MLQ III.
  • Si Imee Marcos daw ay anak sa ibang lalaki ni Imelda.
  • Si Bongbong Marcos naman daw ay patay na talaga at ang Bongbong na kilala natin ngayon ay isang carbon copy na kamag-anak ng mga Marcos. Iyong orig na Bongbong daw kasi ay nasaksak at napatay sa ibang bansa noong siya'y nag-aral doon. (Natawa ako noong una ko itong marinig! Parang X-Files ang dating! Pero sa totoo lang, di iisang tao ang nagsabi sa akin nito.)
  • Si Mary Grace na anak nina Susan Roces at FPJ ay anak daw ni Rosemarie Sonora kay Pres. Marcos.
  • Iyong may-ari raw ng Proctor & Gamble ibinenta ang kaluluwa sa diablo kaya ito'y naging sobrang successful!
  • Balitang-balita raw noon na may mga nakatira talaga sa ilalim ng Ilog Pasig. Meron pa nga raw dating nahuli ang mga taong nakatira sa paligid diyan na isang napakalaking isda na hitsurang tao! Naalala ko na noong bata ako, ito ang paborito kong pinakukuwento sa lolo ko. Pero noong tinedyer na ako, iyong kapitbahay namin na tumira nang matagal na panahon sa may paligid ng Pasig ay nagkuwento ng ganito rin. At sumusumpa siyang ito'y talagang totoong nangyari!
  • Kuwentong Marcos ulit... May isang lugar daw dito sa Pilipinas na dinala ni Marcos sa Estados Unidos lahat ng residente doon. Bakit?? Araw-araw sa tuwing pagbukas ng pinto nang mag-asawang ito, may butas iyong hagdan nila. Gawa ang hagdan sa bato kaya nagtataka sila paanong nabubutas iyon ng daga. Nang makalipas ang ilang linggo na ganoon pa rin, binungkal ng lalaki ang hagdang bato. Hulaan ninyo kung ano'ng nakita niya? Ginto! Bare-bareta nito! At nang malaman ni Marcos, sinuhulan sila ng American citizenship kapalit ng mga bars of gold. Ito'y totoo raw nangyari dati talaga.

Meron ba kayong alam na ganitong mga sitsit? Share niyo naman! :D

13 comments:

Ann said...

Yung 2 huli lang yung naririnig ko noong panahon namin... Pansin ko puro kay Marcos yata yang mga sitsit na yan.

Panahon pala ako ng martial law .....hehehe.

jhay said...

Salamat sa mention, kakatuwa talaga ang mga kuru-kurong ito. hehehe

Jigs said...

Narinig ko na rin dati yung kay Rizal and the Proctor and Gamble thingy. Noong una ko nga narinig yun eh medyo natakot ako. Bata pa eh! LOL! Ang saya naman nito! :)

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

sa mga Marcos tralala na yan, may katotohanan ...

pero si Rizal at Hitler, hahahah!
narinig ko na rin yan noon :D

tekla said...

ako man ay nakarinig nyan sa tabi tabi at pulong pulong ng mga matatanda.

naalala ko nung nasa high skul ako, bawal daw magsalita ng MACOY at huhulihin ng pulis. hindi pa kc ako aware kung ano ang martial law that time...uhugin pa kc ako nun hehehe.

ravishingkat said...

nakakatuwa naman to sasha! o diba, may natutunan ako ngayong araw. hehe.. =)

janpol said...

may kakaiba kang source ng chismis ha.. hehe
ang alam ko lang sa proctor and gamble ay satanic yung products nila... nauso yung mga satanic-satanic na yon nung lumabas yung ketchup song, naalala mo yon?? Asereje??

:D

sasha said...

hahaha! oo nga janpol, naalala ko yun! mabyuti naman at nasiyahan ka ravishingkat...

MACOY! MACOY!

gandang hapon sa inyo! :D

fllnngl1225 said...

hiyee ^^

bout sa proctol and gamble..yea narinig ko na yan dati..ung kay rizal..LOL.. impossible..hehehe.. pero know what?? merong statue si rizal sa germany..and guess what?? sobrang proud sila kay rizal.. nagguilty nga ako coz parang mas proud pa sila kay rizal kesa sating mga pinoi eh..

nyweiz..teecee lagi ^^

KaDyo said...

narinig ko halos lahat ng mga yan hehe di ko ng alang alam kung tunay o tunayntifibe.

ako may narinig na ganyan din, si nora aunor at tirzo cruz III daw ay nagkaroon ng anak at ang pangalan daw ay maria leonra theresa..totoo kaya ito hehehe

roseanne said...

aun... narinig ko ung sa proctor and gamble na alamat! hehhe... totoo ba un?? ung teacher kse namen sa social studies III... hehehe... nung knwnto nia smen un eh natakot ako kse issma dw nia s quiz ung kwnto nung director ng proctor and gamble... hehhee.. 220 kaya??

sasha said...

don't really know roseanne :D

just heard of that nung kasagsagan ng Satanism chu-chu sa bansa before. naalala ko lang, hehe

nagi said...

wow~ ikaw po ang ikalwang tao na nagsabi sa akin ng P&G's soul selling. yun kay Rizal at Hitler at yun mga Marcos' stories, nabalitaan ko rin yan sa iba.

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile