Jun 22, 2006

Talusirang kaibigan

Bakit ganon, may mga taong alam na ngang nagigipit ka, mas lalo ka pang ginigipit?? Para ka na ngang pinitpit na luya, hala, sige, tuloy naman sila sa pagpiga sa'yo! Minsan kung iisipin mo, iyong mga taong akala mo nandiyan lang sa tabi mo sa hirap at ginhawa, sila pa pala iyong sisipa sa iyo habang nakalugmok ka na sa lupa. Iniisip ko nga, ginawa ko na ba ito sa kapuwa ko at nararanasan ko ito ngayon? Karma ba ito sa pagiging mataray ko noong ako'y nasa eskuwela pa lamang? Pero hindi naman ako nang-aapi. Hindi naman ako nagpapaiyak ng kaklase. Nagbago na nga ako pagdating ng college. 360-degree turn, ika nga. Bilang boss naman sa mga naging staff ko, maipagmamalaki kong naging mabait ako. Kaibigan ko pa hanggang ngayon lahat ng mga dati kong staff. Sabi niya pera raw ang tinitignan ko sa pakikipagkaibigan. Kilala ba niya talaga ako?? Ni hindi nga ako mayaman, ano naman ang karapatan kong husgahan ang iba sa pamamagitan ng laman ng kanilang bulsa?! Dahil lang sa maling akala at hindi maaming pagkakamali, nagbago na. Hindi niya alam, napakarami kong kaibigang katulad ko lamang na simple ang buhay.

Itinuring ko siyang kapatid sa opisina. Iyong halos dalawang taon na pagkakakilala ko sa kanya'y mali pala. Overnight, naging impakta na siya!

Isip. Hikbi. Hinga nang malalim.

Alam ko namang pagsubok pa rin ito ng nasa Itaas. Pero nakakasama ng loob. Nakakalungkot isipin na mali pala ako ng pagpili ng mga ginawang kaibigan. Or siguro, sila iyong mga kaibigang dumaan sa buhay mo for a reason lang.

Pero kahit na, masakit pa rin.

12 comments:

purple princess said...

awwwww... marami talagang ganyan ate.. yung tipong inaasahan mo talaga tapos wala ka naman pala dapat asahan..

true friend are hard to find these days..

i do hope you find company who will always be there for you.. but ate, honestly, i will be willing to help if ever you need me..

pleasant evening to you..
dont let the haters bring you down.. mwah!

janpol said...

naku hindi talaga nawawala ang ganyang tipo ng tao... kala mo totoo, hindi naman pala...

pero feeling ko lucky ako to find true friends.. yung maaasahan talaga... :}

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

yan, maraming nasisira dahil sa maling akala!!!

pero mas ok pa rin dahil di patalikod ang ginawa niya!

ako nga ngayon, ang dami ko ring naging "kaibigan" dito sa blog,
mas mahirap pala magtiwala, ang
dali kang masira!

pero ganyan talaga ang buhay, people come ... people go :(

~kisses~

HappyHeart said...

hayy... these things happen coz god has a reason for it. hindi ka nya bbigyan ng isang bagay na alam nyang d mo kaya.

Someday, you'll find the ones who are for keeps. and the ones who'll indeed help you in times of troubles. (e.g, pagnakapatay ka ng tao! - haha.. kiddin')

**We have the same situation ate, mejo diff nga lng in some ways. hehe.. GRR na buhay to! :)

tekla said...

madaming matatamis ang dila, madaming naglipanang santo, at madaming nagpapanggap lamang yun bang ndi totoo. ingat po sa mga darating pang iba. nabiktima din ako nyan. kabutihan na ang ipinakita ko, panloloko pa ang isinukli.

ipagdasal na lng natin yung mga manloloko na sana kunin na sila ng maaga ni lord.

lucerodelara said...

iyon ay dahil sa sadyang walang kwenta ang buhay kapag hindi ka nasasaktan...

kung kaibigan naman tlga ang hinahanap mo, mahirap talag yan... lalo na yung totoo, dahil ultimo mga akala mong kilala mo na at kilala ka na eh sila pa ang manloloko sayo kahit pa sabihing pinagkakatiwalaan niyo ang isat isa... sabi nga ni pilosopo tasyo: "hindi lahat ng nakikita mo ay totoo"

:hindi ko magets eh, 360* revolution, thats a circle right, meaning umikot ka lang at bumalik sa dati mong hinaharap... tama ba?! d ko tlga magets... hehehe...

inday said...

hellow sweeties...

i am understanding of your inner feels. there is a really a millions of human like. they are a ignorance kind. of course what the person was say is hurting your inner feels but you are know of yourself more than he/she and you are no that it is not a truth. a person is judge a person like that is the one who is like that in real life.

i'm think it is a very sad things that people are measure friendship by the total cash in the pocket of others. it is one of a worst things one can doing.

i hope you are felt better soon. muah!

Devilicious said...

Ganun talaga.. mahirap na talaga magtiwala sa panahon ngayon.. ang hirap din isipin kung sino nba talga ang totoong kaibigan mo sa panahon ngayon.. haay.. oks lang yan.. as long as totoo ka sknila.. mamatay din yang mga yan.. nyets!

ghee said...

hmm,talagang ganyan...marami pa tayong mai encounter na ganyan bago tayo makakita ng talagang totoong kaibigan..

at least,nakilala mo sha at alam mo na ngayon kung sinu sino ang dapat na bigyan mo ng atensyon. :D

bad trip yung ganun no?yaan mo shang maging impakta,magpakaanghel ka na lang.
smile,sasha!

sasha said...

salamat sa mga aral mula sa puso. alam ko na ngaun talaga kung sino sa kanilang lahat ang totoo. rest muna ako sa pagtitiwala talaga. hirap maka-recover kasi :-(

sasha said...

lucerodelara, tama ka at mali ako. dapat pala 180*. hahaha

Ann said...

Pag nakikipag kaibigan ka, dapat handa ka rin sa mga ganyang sitwasyon, sa oras ng kagipitan mo makikita kung sino talaga ang mga kaibigan mo. Pag kasi pumasok ang inggit sa isang tao nasisira ang friendship.

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile