Dec 12, 2006

Telebabad...

Pagsakay ko ng van kagabi, may nakangiti sa aking lalaki. Dedma ako syempre... malay ko ba naman kasi kung sa akin talaga sya nakangiti di ba? Hindi pa naman reliable ang aking mga mata sa dilim. Hehehe… Nagulat ako pag-upo ko tinawag nya ako ng "She!". So syempre, alam kong kilala ko siya dapat. Tsk tsk...

Turned out, classmate siya ni Michael, si first bf, sa Mapua. Nakakahiya kasi anlayo na ng kwento niya when I asked his name. Hahaha... Na-gets ko naman na si Michael ang connection namin. Kaya lang I really can't remember who he is. Engineer din sya tulad ni Michael and he's working at Ayala Land daw. Ayun, kwento-kwento ng lahat ng kilala namin. Nauna kasi akong nag-graduate kesa kay Michael dahil 5 years nga ang Engineering while 4 years lang Accountancy (nung 1999 yan, ngayon yata 5 years na rin Accountancy sa lahat ng schools). Gawain na namin dati na ipapasundo nya ako sa driver nila tapos susunduin namin sya. Kaya kilala ko halos lahat ng classmates at friends niya sa Mapua… Dami na nilang may-asawa! Pati yung kausap ko married na rin with 2 kids.

Bago siya bumaba, nasabi niyang nag-uusap pa nga sila ni Michael from time to time…

Around 10pm, nag-ring na ang celfon ko. "Unknown" yung lumalabas kaya naisip ko na agad kung sino yun… si Michael! Expected ko na ite-text siya ni classmate.

Ayun, chika-chika. Uuwi na naman daw sila ngayong 22. Yearly na nilang ginagawa kasi may reunion silang angkan tuwing December 27. Syempre ask kami pareho kung malapit na ba kaming pasakal, este pakasal… parehong hindi pa. Hehehe… Hindi pa raw siya sawa sa pagiging binata. Ako naman, ayun, marami pang gustong gawin din. Pero may gf na siya. Ipapakilala niya raw sa akin pag-uwi nila.

Kalagitnaan ng usap namin, may umagaw ng fon, si mama niya! Sobrang labs ko mom ni Michael. If there's one thing na super pinanghihinayang ko sa naging relationship namin, mom niya yun! Nung pinakilala ako ni Michael sa mom niya, iniwan niya kami to talk. After ng usap namin, close na kami! Mas marami pa kaming "dates" in a week kesa kami ni Michael. Halos dun na ako tumira sa kanila dati dahil lagi kaming merong chikahan portion ng mama niya na umaabot ng madaling araw. Hehehe… Mas marami pang niluha mom niya kesa sa amin ni Michael when we broke up. I realized then that one of the reasons why tumagal kami ni Michael ng 4 years was because ramdam kong love ako ng family niya. Hay…

When my mom died, isa si mama sa mga una kong tinawagan. Iyakan kami sa fon. Inaampon na nga niya ako. Kaso sabi ko paano kung magkabalikan kami ni Michael e di incest yun di ba? Hahaha… Nakaka-miss sobra!

Ayun, chika to death kami ni Michael. Naka-conference call na kami nung 12midnight. Parinig pa si mama na mukha raw kami talaga ni Michael dahil until now single pa kami pareho. Hahaha! Imposible! Tapos 1am to 4am, lahat na ng pwedeng balikan at pag-usapang tao, natalakay na namin ni Michael. Na-realize lang niya na hindi pala ako taga-US nung mga 4:30am na. Hahaha… Ako rin naman feeling taga-ibang bansa at talaga namang gising na gising pa! Pati ang pagba-blog ko naikwento ko na sa kanya. Lumipat na nga kami sa landline dahil kulang na lang umapoy ang celfon ko sa init!

Kaya eto ako ngayon, lumulutang na naman ang isip at hindi pa natutulog. Hyper pa! Pagbaba namin ng fon ng 5am, after 15 minutes tumawag ulit siya. Nakalimutan daw niyang sabihin na dito sila ikakasal ng gf niya sa June 2008. At kasama raw ako sa mandatory attendees. Hahaha! Sabi ko pag-uwi nila wag siyang papakita sa akin at sasakalin ko siya! Hindi ako a-attend at baka pigilan ko pa ang kasalan 'no!

Joke!

15 comments:

qroon said...

uuuyyyyy..... haba ng wento ah. he he he. ako naman aeh 12 am kanina, nag-text si boy gapang. mukhang down daw ang server namin... kaya eto, puyat din.

nona said...

sister!!! SAYANG!!!! huhu...sana kayo na lang ang isasakal...este ikakasal....
ang cute pala ng love story niyo ni Mike...hmm, feeling close ang tawag ko sa kanya? hahaha!

Alam mo ang sarap talaga ng feeling na love ka ng family ng bf/gf mo especially mom ha...

Malay natin sis....'pag nakita ka biglang ikaw pala ang dadalhin niya sa altar...hehe...hay naku kung anu ano ang nasa isip ko lol!!!

nona said...

hmp! naunahan ako magpublish...hehe, kanina ala pang comment etoh haha! akala ko ako na pers. :D ok lang pow...joke lang!

clown1796 said...

ang ganda ng kwento mo hehee...parang nakikini kinita ko pa kung gaano ka kasaya....uy, si sashing, humaba ang hair heheheheh!

Pen said...

hi poh. hehe. nakakaaliw naman 'tong entry talagang tinapos ko :D

wow, kung ako yun tas yayayain sa kasal niya ng gf niya [kahit wala naman talaga] sasaksakin ko siya :D o di ka ya lulumpuhin para naman nakakatawa siyang tingnan :D at least, memorable. hehe.

-pAm- said...

ang taray ng kwento.


hahahahahaha...^_^


okey naman ako te..=P

juana said...

hay... umagang umaga dito kinilig ako sa love story mo. bakit di kayo? sayang hehehe... ganda naman frens pa kayo o baka maiba ng ihip ng hangin pag uwi hahaha

Mark said...

Im a little shy sa mga ex ko, sometimes I dont talk coz I felt guilty, hahah

Vince said...

aha! sige ate sash, magsaya ka, i know medyo kinukurot si puso ngayong pasko....LoL! right? malamig ang gabi, brrrr!!!!

kaya pala, uy, naalala ko pa yung topic last nating pagkita....

ok, remind na lang kita sa EK para masaya ang pamilya natin, hahaha!

tin said...

Sayang, mukang botong boto pa naman sayo mom ni Michael. Oh well. That's life. :)

Ok ang entry na to ah. :)

Ann said...

Aray ko! Sayang naman at hindi kayo nagkatuluyan, pero ang maganda lang friends pa rin kayo after nung split.

Bakit kaya kayo nag split...another entry I think.

ghee said...

oh well,Sash,year 2008 pa,marami pang pwedeng mangyari,hehe..

who knows,baka magbago ang ihip ng hangin at magising ka na lang na ikaw pala ang nakatrahe de boda??yay!!

sasha said...

@Qroon... Hahaha! Ang haba ba? Sinipag mag-type, boy! Pinuyat ka pala ni boy gapang! Smart Bro na naman ba ang salarin?? Hehehe

@Sis... sayang nga ano? Tagal din namin! After namin mag-break sis, 2x pa kami nagkabalikan. Saka andyan lang siya lagi... plus the fact pa nga na ok talaga ako sa family niya :)

Kaso, eto talaga yung not meant e. Hindi niya maintindihan yung obligations ko sa family... Saka feeling niya pera lahat solusyon sa mga bagay-bagay. And we think so much alike!!! Scary minsan! Hahaha

Napapag-usapan namin lagi yan, sis! Na baka in the end kami rin pala kasi anlakas daw ng dasal ni mama. hehehe... Every year, pag magkikita kami, andun pa rin yung love namin for each other... we never know talaga ano?

Haba ng sagot ko! Hahaha!

@Mam Rems... akala ko aabot ng Edsa ang aking buhok e! Hahaha! Oo, hapi nga... ^_^ Nakarinig ba naman ako ng sandamak na pasalubong e di sumaya! Hahaha

@Uy, Pen, tenchu! Masyado naman tayong bayolente, kapatid! Hahaha! Joke ko lang naman yun... a-attend ako siyempre, friend ko naman si Michael e :)

@Hahaha, ayos ba, Pam?!

sasha said...

@Juana... naku mare, ayun nandun sa sagot ko kay Nona ang ilang dahilan... hehe... Pero in general, talagang not meant lang siguro. Kinilig ka ba? Ako nga nangawit nang husto ang panga kangingiti e! Hahaha

@Hmm... At bakit ka naman nagi-guilty, Mark? Hehehe... Kaw ha...

@Oist Kuya! Kinukurot nga! Hahaha! Alam mo naman yun... pero ala na di ba? Nabatukan mo na nga ako di ba? hehehe... Malamig nga ang Pasko! 3rd year ko na 'to! :(

EK? Oo na po at walang pasok sa 27-29! Yey!

@Yes, Tin, masasabi kong boto talaga sa akin si mama... sabihan ba naman lahat ng kakilala namin na ako talaga gusto niyang manugang e hehehe... labs ko yun! Kahit na hindi ko sya maging mom-in-law, mom ko pa rin sya! :)

sasha said...

@Ate Ann, ganun yata talaga. Lahat naman ng ex ko (3 lang sila), friends ko pa rin... one of the boys daw kasi ako kaya nde nagtatagal ang tampo nila sa akin! hehehe...

Rich kasi siya, te... so after graduation, may engineering firm kasi sa tate ang angkan nila kaya feeling niya gusto na niya agad mag-asawa. Yaya siya ng yaya sa akin e nung time na yun, nagpapaaral pa ako ng mga kapatid ko. 3 yun, tapos sa family ko pa. So I realized na unfair kung mag-asawa na kami tapos parents at siblings ko pa iniintindi ko. Plus the fact na hindi siya pabor na todo ang support ko sa family ko... ayun, one thing lead to another, nag-break na rin kami.

Nagkabalikan pa kami 2x pero puro yun ang ugat ng away namin. Ready na siya to get married, ako hindi pa.

Ako nga sinisisi why up to now nde pa siya married! Hahaha! If I know, ako lang hinihintay niya! Hahaha

@Ate Ghee... If that'll happen, una ka sa sasabihan ko! Hehehe... I'm not closing my door... we never know talaga... saka malaking puntos na nga for me na labs ako ng family niya ^_^

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile