Nov 13, 2006

Christmas Blues

Nag-uusap kami ni kuya kanina about adoption and Christmas Day. Anlayo nung dalawang topic pero ayan... Hahaha... nagkaintindihan naman kami. Siyempre pa, nakinig naman ako sa advise ng kuya.

May napanood akong isang American sitcom. Ang sabi dun, if you want to know that you'll be an effective parent, get a pet. I forgot kung anong show yun pero yan ang sabi. Hintayin ko na lang muna ang anak ni Raven kung ganun sis... heheh...

Last year, nag-volunteer kami ng mga dati kong officemates sa Philippine Cancer Society. Meron silang ginagawang program taun-taon for cancer patients ng PGH. Balak ko uli this year. Magyayaya uli ako ng friends ko. Gusto ko na siyang gawing annual contribution ko sa mga terminally ill kids. Masaya, andaming nag-contribute ng foods and gifts for kids. Yearly din daw nagko-contribute ang PAL dun. Sila nga ang gumawa ng presentation for the party last year. Nakakatuwa kasi todo participate talaga pati executives nila. Maliit lang contribution namin compared to them. Pero it's the thought that counts naman, di ba?

***

Christmas shopping na kami this coming weekend! Bigayan na ng 13th month pay! Yey!

Truth is, meron na akong nabiling Christmas gifts for some friends. Nabanggit ko nga kay Ate Ghee kagabi. May pagka-praning na ako ngayon kasi last year, naubos yung mga gusto kong ibigay sa aking girl friends! Ayaw ko na mangyari yun this year kaya buy na ako agad last payday. Huli kong binibilan ang aking mga kapatid kasi may mga last minute parinig pa sila. Para sure na magustuhan nila, wait ko muna ang parinig ^_^

Naiinggit ako sa mga magaling magbalot ng gifts! Ala akong talent sa ganyan. Dapat sa akin may kahon o kuwadrado ang regalo para maayos kong mabalot. Kung hindi, bigay sa sister ko at sya na ang bahala. Hahaha

***

Merong mga pagkakataon na feel ko lang i-post ang isang naisulat ko o kantang gusto ko na nakuha ko ang lyrics... pero ako lang ang nakakaintindi sa ni-post ko. May meaning sa akin, sa mga nakakabasa, parang... ano yan??

Ganyan po ang post kong kanta sa baba. Siguro si mareng Wendy lang ang nakakaalam niyan. Isa kasi yan sa mga kanta sa Grey's Anatomy. Nagustuhan ko at may meaning sa akin yang ni-post kong lyrics.

21 comments:

master said...

anong gift mo sa aken? :P dapat 2!

sasha said...

Hahaha

2 ba, master?

Vince said...

gift ko rin? ija, di naipasok sa usapan natin kanina yung pagpa-praning mo ah... sabagay...medyo na nga e, lol!

...and....better fight nga...pag sarili mo na kalaban mo ano? Lol!

maawa ka naman kay ate, "ano"

ooops, tinatandaan ko itong comment na ito, baka ma-delete hehehe.

ralphT said...

dun ka na lang bumili ng gifts sa mga may libreng pabalot na! para nde ka na magbabalot ng mga regalo! hahahaha :)

melai said...

uunga ano rin ang gift mo para sa kin?

ei danda yang plan mo yung pagvovolunteer ... dati sa legion of mary ginagawa namin yan, pumupunta kami dito sa may pinakamalapit na orphan center, ayun kami nagpapaligo, nagpapakain at naglalaba ng mga damit ng mga bata...saya din naman kahit na mahirap ..nakakamiss

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

ehem, ang wish ko lang naman ay ...

better to give than to receive di bah? kaya isali mo nga kami! :D

tin said...

God bless sa charity works mo. hehe!

haha! i like Grey's Anatomy too. :)

tina said...

Ako im just cruising the mall for what to give this year.

Usually i give out identical stuffs for give-aways. :)

Where's mine? Haha Just kidding.

Same pala tayo! Hindi ako masyadong marunong magbalot... bumili ako ng book about that.. para naman at least artistic ung pagbalot ko. pero di ko pa nagagamit. ahhihi :)

yorokobee said...

mas maganda ngang maaga mamili,kasi sobrang siksikan na sa mall at haba ng pila sa counter pag Dec. na,,,kahit na nga ngayon palang ganon na yata!

sweet sweet mo naman swerte ng mga friends mo! sila gay friends ba naibili na?hehe

goodluck sa charity plans mo!

nona said...

force labor ko na kaya si raven sis? para lumabas na..lol!
uy gusto ko si Patrick Dempsey...ng Greys...

wow, bigayan na ng 13th month pay niyo, aga ah!
mahirap nga mag-rush, kasi hindi na mabibili ang talagang gusto mong ibigay,sa dami ng tao at haba ng pila ma spoil na ang shopping mood mo...kaya kahit ano na lang.
akina, ako na magbabalot ng para sa akin hehee...

rHo said...

bruuuu.. aymissshuuuu!!! aymissshuu! lukaretz.. yung para sa akin nasan na?! hihihi... mwuahuggz! nako, tama nga na mamili na sa ngayon para if ever may malimutan ka sa dami ng reregaluhan mo at least may time pa maghabol! hehehe...

gudlak sa charity work atih! ganda yan..

sasha said...

@Kuya... kung naipasok pa sa usapan natin yan, nde na tayo matatapos. At baka pati ikaw mapraning na rin! heheheh

Oist, tigilan mo yang "ano" na yan... Bad yan!

Yung gift mo bibilin ko pa lang. Feeling mo naman dyan friend ka... kamag-anak ka remember? ;-)

@RalphT... nde kasi lahat merong free gift-wrapping e. Yung iba kailangan talagang sa bahay na balutin :)

@Ate Melai... hmm... ano ba ang gusto mo? hehehe

Nde ako pwede maglaba ng damit at baka imbes na luminis dumumi pa lalo! hehehe... Yun naman po, tumutulong sa production and sa mismong araw ng party plus I ask friends to donate gifts and food. Masaya kasi isang ngiti lang from a sick kid, solve na yung pagod :)

@Ate Neng... Hahahah... tumpak ka dyan! It's better to give than to receive... kaya nga po, sasabihin ko yan sayo! Gift ko te?? Hahahah

@Salamat Tin! I'ts a small price to pay compared sa blessings na natanggap ko for the whole year :) Nde naman siya en grande na charity work, maliit lang na contribution yan :)

@Tina... mahirap magbigay ng pare-pareho kasi most likely, nde magugustuhan nung isa. Heheh...

At talaga namang u bought a book for gift-wrapping pa! Hahaha... ako dine-delegate ko na lang sa sis ko! *wink*

@Sinabi mo Bee! Andami na rin tao sa mga malls esp on weekends. Ayaw ko pa naman ng super crowded places. Sometimes, yung claustrophobia ko umaatake :(

Ang mga gay friends ay bibilan pa lang! Heheheh... Yung mga friends ko rin kasi maaga nagtatanong kung ano gusto ko kaya syempre, give and take :) Minsan kahit ala akong take ok na rin lang :) Ambait ko ano??? Hahahha

@Nona.. sis, wag mo i-force labor si Raven at baka kung mapano ang magiging baby ko! Hahahah

Ang cute pa rin ni Patrick Dempsey ano? *wink* Saka maganda yung series talaga. I'm planning to buy yung DVDs nga e. Eto na naman ako... Friends, Smallville, Gilmore Girls... and tsaran!!! Grey's Anatomy! Hhehehe

OO bigayan na. I remember nung nasa call center pa ako, late December ang bigayan kasi pagkabigay, nagre-resign ang majority sa agents. Buti nga ngaun at normal na ang co. ko :)

At uu korek ka dyan, sis! Last year, I settled for some gifts na second-best na! Magbibigay na rin lang ng gifts, dapat yung maganda na di ba? :D

Meron na kayong gift ni Ate Ghee sa akin :))

@Rho... uy bru!!! amisshuuuuu na rin!!!! Heheheh! Nde tayo nag-aabot ha. Yung sayo?? Mag-usap tayo sa weekend at nang malaman ko kung anong gusto mo! hahaha

Serious ako *wink*

rHo said...

yayyy... uy sis, nagbibiro lang ako!! actually, natanggap ko na napakagandang regalo.. yung naging kaibigan kita!

serious din ako! mwuahugggz! thanks ng marami sis for everything!

juana said...

nakikihabol sa listahan mo!

paborito ko rin yan no. 13 na yan saka 15 at 30 noong nagtratrabaho pa ako. ngayon kasi wala ng datung. hehehe...

pakner said...

unga gift mo para sa akin.. isama mo na sa charity mo... pero lagyan mo ng pangalan ko na sa akin nanggaling hehhehe..

ituloy mo yan..

nona said...

eyahoooo....may gift ako...may gift akoo!hahaha!*tuwang tuwa?* hehe...ikaw yun sis..*WINK* ang pagiging magsistah natin, priceless gift...*muah*

celena said...

Hay naku...kami ni mama mahilig sa last minute shopping. Simula nga nung magkamalay ako tungkol sa pasko, last minute shopping sya palagi. Hay. Ok lang yun! Para lagi syang nasusuka sa sm dahil siksikan! Hehe! Thank you nga pala sa bati!

Have a nice day ahead!

ghee said...

wow!isang araw lang akong di nakapagblog,marami nang nangyari?hahaha!

tama ka dun,Sash!Its the thought that counts...thanx in advance for thinking of me :)

yay!!ang saya!xmas na...grabeh,bonus mo na pala!haha!

(kelangang makauwi sa home sweet land) :)

-pAm- said...

yey! hehehe..salamat sa pagbati sa akin ate...hehehe..>^_^

regalo ko..haha...joke..=)

Vince said...

Lol! basta! and, since kamag-anak tayo, doble nga pala ang gift ko from u this coming xmas eh?

Ann said...

Yung address ko pinadala ko na sa YM ha?

Gusto ko yung ano....yung ganito..saka ganun..hahaha!

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile