Oct 2, 2006

Bridesmaid ka lang!



Always the bridesmaid, never the bride.

Aray ko naman. Sinabi ni Lem sa akin yan nung Saturday, sa harap ni kuya at Shen. Bridesmaid kasi ako sa darating na wedding ni Tim next year. Tapos, syempre, iprinisinta ko ang sarili ko na bridesmaid sa kasal ni Lem (next year? two years from now?)... at si Shen, ako rin syempre! Hahaha! At ilang beses na rin akong nag-bridesmaid sa weddings ng relatives.

Napag-isip tuloy ako last Saturday night... Hmm... Kung meron kaya akong boypren sa ngaun, yayayain ko na kaya? (Ako raw ang nag-aya!) Hindi pa talaga e! Kasi nung kami pa ni fafa Jake, yaya na rin sya kaso tinanggihan ko pa rin dahil di pa talaga ako ready. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko. I still want to be independent..

Isa lang naman ang nakakapagpaisip sa akin talaga… ang magiging fraternal twins ko! Paano kung mahirapan na nga talaga akong magbuntis at 35 di ba?

So.. I therefore conclude na di asawa ang kailangan ko sa ngaun… donor lang! hahaha

***

Epekto ni Milenyo


Binagyo kami, nawalan ng kuryente at dial tone nung kasagsagan ni milenyo. Bumalik ang ilaw nung Friday night na, in time for the padasal para kay mommy dahil 1st death anniversary nya. Natuwa na ako syempre at nagtext pa ng yipee kay Br. Vince! Ayun, binawi ko rin dahil ala pa kami dial tone… till now! Paging Bayantel!

***

Diskarte...


Syempre dahil alang kuryente at drain na ang battery ng celfon ko, naiirita na ako ng sobra nung Friday! Baka nagti-text na si fafa… at ang mga friendly friends! Ala na nga landline, magkaron man lang ng celfon di ba? Punta ako ng SM North Edsa para mag-recharge. Carpark, puno ang Netopia! Punta ako ng main building, pang-eleven ako sa waiting list nila! Ano ba naman yun di ba?

So lapit ako sa manager… ganito eksena…

Sasha: Are you the manager? (tumango si manager) Can I ask a favor? (smile sya) I actually just need a USB socket so I can recharge my celfon. I'm number eleven pa, baka you can find someone willing who'll let me use a USB socket and I'll just pay the corresponding fee.

Manager: (todo smile pa rin) Ma'am, tignan natin ha… So, USB socket lang kailangan ng celfon nyo, ma-recharge na? Kaiba yang celfon nyo ha.

Sasha: (todo smile na rin para pumayag si manager) Yup! Voyager kasi fon ko, USB lang sa pc ayos na!

Nag-excuse na si manager. So natuwa ako at feeling ko mahahanapan nya ako ng papayag na tao. Ang daming naglalarong teenagers sa loob, naisip ko baka isa dun pumayag. Imagine, yung time na makiki-recharge ako, ako na babayad sa time na yun.

Balik si manager… smile pa rin…

Manager: Ma'am, wala eh.

Sasha: Are you sure? (turo sa isang kid) Ayun, baka pumayag sya o.

Smile lang si manager. Syempre naiirita akong hindi. Naiintindihan ko naman kasi na ayaw nya maka-invade ng privacy ng nagri-rent.

Ang conclusion? Ako ang lumapit sa isang lalaki sa seat no. 3. Ganito ang eksena nun…

Sasha: Hi! Sorry to disturb you.. But I just really need to use a USB socket so I can recharge my celfon. I'm number eleven on the waiting list pa kasi. Baka you'll allow me to use your USB socket here and I'll just pay you.

Cutie guy: Hey, sure, no prob! You don’t need to pay me or anything. Babagal ba connection if you use the USB socket?

Sasha: (hanggang tenga smile) No.

Cutie guy: Alrighty then. You can use it!

Kay cutie guy sa seat number 3 sa Netopia nung Friday afternoon, thank you so much!

34 comments:

vince said...

Ate, I'm too skeptic nga e, sensya na pero parang di pa ako convince na pwede ka sa nalalapit na kasal :D then another thing, I doubt, dapat meron ka nang papa dahil at 35...? ano nga ba uli yung binanggit nyo ni Shen na "painless" saan ba ang painless dun? hehehe

sasha said...

Hahaha

Okay lang yan, Vince para may challenge! hehehe

Painless sa panganganak yung pinag-uusapan namin :)

Mmy-Lei said...

hahaha! nakakarelate ako! yan din ang linya ko dati, kaya tumigil na ako kaka-bridesmaid!

ang bait naman ni cutie pie!!!

Pipay said...

bridesmaid na lang forever? Di siguro, daming lalaki jan. Bahala na si Batman! ahahaah!

Iba rin diskarte mo sis! Hanga na ako sayo.

sasha said...

titigil ako after ng mga friends, mmy lei! hehehe

ganito yata ang panganay, Pipay... may natatagong mga diskarte, lalo na at cutie! nyahaha

kneeko said...

pakner... pede ba ako dyan sa donor na yan ooopssss

si mmy-lei.. isa pa yan hahahha

Anonymous said...

huwag ka na mag-asawa mag-anak ka na lang!...uy sa binyag ibig ko sabihin....sama utak niyo ha, grabe nga sis, ala na rin batt celfon ko that time...ayoko naman lumabas baka liparin sasakyan ko di ko pa tapos bayaran mortgage niyon! hahaa...
buti na lang goodboy si cutie...

cruise said...

wow buti may mabait na nagpahiram sayo ng USB, hightech na celfone yan. hehe.

ako din more than 10x na nag bestman pero di pa ako naging groom... hehe

ghee said...

sabagay uso na rin yun,donor na lang,haha!

pahamak na milenyo anoh?at ang galing ng cp mo,high tech nga!

buti na lang,may isang cutie at very gentleman pa :)

talaga bang 35 ka pa mag aaanak?hehe,ang kulit ko noh?

tekla said...

alam mo sashing naiisip ko din yan ang maghanp ng donor hehehe. pasama nga sayu.

ganun tlga minsan dapat gamitin ang karisma este smile pala. hi-tetch naman fon mo USB port ang charger parang ipod :)

sempai said...

malamang cute ka rin kaya ka pinahiram ng cute guy na un.. hehehe anyway ate... pede ba ako makilink sa blog mo...

sasha said...

pakner ha.. you're giving me ideas.. hahaha

nona, mag-aanak na talaga ako, sa december... sa binyag nga! hahaha

sasha said...

cruise, baka kailangan na nating tumigil sa kaaabay! hehehe

ate ghee, unless makahanap ng donor, 35 pa talaga! wehehe

seriously, yun lang naman ang aking "ceiling" kumbaga. beyond that, kung ala pa rin, wag na lang ako mag-asawa talaga... wag naman sana! :)

sasha said...

mam teks, tara't makapaghanap na! baka maubos ang mga streyt e! nyahaha

sempai, nagba-blush naman ako dyan hehe... sure, link kita :)

tutubing_karayom said...

Sasha ha papalit mo na ang manager na un alang kwento bwiset hahaha. Nung umuwi ako sa Cebu sa netopia din ako nag babad para ma update mga ka bloggers, at marami akong nadenggoy na mga naka open na friendster account, aalis alis sila ng hindi nag lalog out, hayan tuloy napag tripan. meron akong napalitan at nadagdagan sa mga profile nila at nag lagay ng shout out , tatlong beses din ata un. ang bad ko no? heheh

sasha said...

hahaha

panalo ka talaga TiKey! di ko pa naiisipang gawin yan ah.. matry nga minsan! hahaha

maldita natin! magtayo na nga tayo ng organization!

yorokobee said...

Hi there!,,,getting married is something na mafefeel mo yon pagnameet mo na si guy na you want to be with
for the rest of ur layf! naks serious*wink*....nakuha mo ba number ni cute guy???hehe joke lang

happy day*hugs*

sasha said...

Ur so right Bee! It'll come when the right one comes along (parang kanta!) hehehe

Didnt get his number e.. wehehe ;)

mouse said...

take your time your still young magpakasawa ka muna. hahaha

Vince said...

isang hirit pa mula sa akin...ate, pag upset ka ba e...Ikaw ba yung kain ng kain para mawala ang tension mo? I mean, dinadaan mo ba sa kain ang galit mo? Peace ate...! :)

sasha said...

mousy, korak! i'm really taking my time... hehe

sasha said...

Hoy, Kuya Vince, hindi po noh! Dinadaan ko po sa meditation... meditate kung ano masarap kainin! hahaha

Sira ka!

Anonymous said...

Galing cel mo ha Nokia ba yan?

Opposite ang prayers nyo nung mga nag rerecharge ng celpon, sila sana magtagal pa walang power...hehehe.

May kilala rin ako naghahanap ng donor kaya lang gusto nya blue or green eyes, sosi di ba?

sasha said...

Smartphone, ate Ann... nung una ganyan din ang iniisip kong kuning donor... kaya lang mahirap na... parang mas feel ko pa rin ang Pinoy! hahaha

AT sineryoso ko na raw ang paghanap ng donor talaga! hahaha

masterbetong said...

ako pedeng donor. paa ang ido-donate ko, yan para makabuo ka na ng anak mo parang si frankenstein!

sasha said...

master, cge ok yan! pinkish ang iyong paa di ba? nakita ko na!

hehehe

howling said...

really, gusto mo ng donor? buti na lang di pa ko nag pa vasectomy.. karamihan kasi ng bebot dito nag de-demand ng vasectomised na weekend partner. yesh! it's not the end of the world. excited ako.

Jot-jot said...

hi..yeah totally..heres my eadd...jotjot88@yahoo.com...thanks so much..

mouse said...

nawala ba shout out? or shout down?

sasha said...

hahaha howling, u are one funny dude!

Lazarus said...

darating din ang right time for you to settle down. Di lang natin alam. baka magulat na lang lahat. hehe.

sasha said...

yan na nga ang gusto kong mangyari, Lazarus! lalo na yang si Vince, at ng mawala ang katatawa! :D

ie said...

funny how you combined your rant about being unwed with your quick moment with a cute guy. kinda triggers a conclusion. :]

Anonymous said...

I'm not touching the bridesmaid bit with a long long plunger, but the story about the USB socket guy is something to get warm about.

Hello sasha, cheers!

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile