Sep 23, 2006

Pusong Mamon

Napanood ko kagabi yung episode ng MMK. Bida si Rustom Padilla bilang si Rod, isang executive secretary at si Gardo Versoza bilang si Ronald, isang engineer. Sa Saudi ang setting ng istorya. Matagal-tagal na sa Saudi si Rod samantalang si Ronald ay kadarating pa lamang dun. Naging flatmates sila. Bakla si Rod at unang kita pa lamang niya kay Ronald ay nagustuhan nya na ito. Si Ronald naman ay isang straight guy na may asawa at 3 anak na naiwan sa Pilipinas.

Sinubukan ni Rod na maakit si Ronald subalit sinabi ng huling sila'y di talo. Humingi naman ng dispensa si Rod at eventually, naging magkaibigan sila. Kinakantyawan sila ng mga kasama sa trabaho dahil sobrang TLC talaga ang pinakikita ni Rod sa kanya kahit na ba magkaibigan lang sila. Pero tunay na nirerespeto ni Rod ang desisyon ni Ronald na pagkakaibigan lamang ang mamagitan sa kanila, kahit pa sabihing patuloy na nagmamahal si Rod.

Dumating ang isang malaking dagok sa buhay ni Ronald nang iwan siya ng asawa at sumama sa ibang lalaki. Sa sobrang depression, nagtangka siyang magpakamatay! Isinugod agad siya sa ospital at si Rod ang tumulong sa kanya. Ang huli ang nagsilbing "private nurse" niya nang mga panahong walang ibang mag-aasikaso sa kanya. Doon nabuo ang kakaibang "bond" nila.

Umuwi sila pareho ng Pilipinas dahil hinatid ni Rod si Ronald. Sobrang pasasalamat ang sumalubong sa kanya mula sa mga magulang ni Ronald. "Tanggap" din ng mga magulang niya kung anuman ang meron sila ni Ronald.

Sa huli, di lang respeto ni Ronald ang nakuha ni Rod. Pati na rin ang kanyang pagmamahal.


Nakakatuwang isipin na binigyan ng respeto ni Ronald si Rod kahit pa alam nitong may gusto sa kanya ang huli, na isang bakla. Hindi siya nagsamantala na karaniwang ginagawa ng ibang lalaki malaman lang nilang kayang ibigay ng nagmamahal na bakla sa kanila ang lahat. Tsk tsk...

Sana lang wag ng lokohin ng mga lalaki ang mga kapatid nating may pusong babae. Tao rin naman silang nasasaktan... kahit pa masiyahin silang lahat na akala mo'y walang iniindang problema.

Lagi nating isipin na kahit pa anong kasarian ng isang tao, lahat nagmamahal at nasasaktan din.

Yun lang naman po.

17 comments:

tina said...

i saw that too last night.. pero di lahat...

yeah and everybody knows how to love. have a great day!

yorokobee said...

aay correct ka dyan sis!
no matter who nga, e dapat respect and
love them true din.

while reading pinatalastas nman yang kinukwento mo, tonight ng 8:30 papalabas yan dito sa TFC,papanoorin ko!

happy weekend*hugs*

malaya said...

RESPECT AND LOVE.
IMPORTANTENG FACTORS ANG DALAWANG ITO PARA MAGING PEACEFUL ANG MUNDO, DESPITE OUR DIFFERENCES.

masterbetong said...

typical na kwentong Pinoy sa Saudi yan. Maraming ganyan dito, the bad thing is most of the gays are victimized.

nice insight...

sasha said...

@yorokobee, watch it! maganda sya and galing nila umarte :)

@malaya... tumpak ka! saka to each his own. basta ba walang nasasaktan kang tao at di masama ginagawa mo, go!

sasha said...

master, sabi nga kagabi sa MMK nung character ni Rustom na normal nga raw yan sa Saudi. pantanggal homesick daw nung mga lalaki dun. kawawa naman talaga gays kasi mabilis sila mag-fall e. saka sila yung mga generous talaga. most often than not, ginagamit lang talaga sila.

nlz...... said...

hi sister! kulelat ako ngayon...sayang 'di ko napanood(thanx for texting me that night..)
anyway, naipost mo naman and para ko na ring napanood.
May gay bestfriend ako at napakadesente niyang bakla...kaya mataas ang respeto ko sa kanila...

cruise said...

nakita ko lang patalastas nung palabas na yun pero di ko napanood minso yung palabas. anyways mukhang maganda nga ang istorya base na rin sa salaysay mo. minsan talaga di natin makukuha ang trust and respect ng isang tao sa isang upuan lang, we should be ourselves and remain true and reasonable, in time we will gain respect especially kapag nagustuhan nila ang nakikita nila sayo o sa atin.

ann said...

Mapanood nga yan, late telecast kasi sa TFC. Kahit yung ibang gay ay expected na nila na nasa loosing end sila talaga, masakit pa rin syempre pag dumating yung time na iiwan na sila ng lalaking minahal.

sasha said...

@Nona...
have gay friends din, sis, kaya nga nagustuhan ko episode na yan eh... sarap nila maging friend, prangka sobra! sila lang makakapagsabi sayong ang kapal na pala ng kilay mo at kailangan mo ng ilabas ang tweezer mo! hahaha

sasha said...

@cruise, tama ka dyan! trust is earned talaga. pati love.. hehe

@ate Ann, oo watch mo, ganda yung episode. always naman na ganun pero i'm sure deep inside, they're expecting din na di lang moolah o sex ang habol sa kanila.

Anonymous said...

dito may namurder na fashion designer na gay kasi daw barat. pero kailangan bang buhay niya ang pambayad.

>>MustafA said...

hello ....

come web sitee

www.beyaz-piyano.blogspot.com
www.kayhanovic.blogspot.com
:DDD come

tutubing_karayom said...

aktuali diko napanood ung mmk kc nga si piolo lang ang gusto kong mapanood sa tanang ng buhay ko! nyehehhe! basta diko lang sya napanood malamang bisi ako sa kompyuter. hmmm.. bilib nga ako sa mga third sex, tamo ngayon gumagawa na sila ng anti discrimination law, galing dba. nways hiways, malamang ung channel 7 ung pinapanood ko kc nag subscribe si ermat ng pinoy tv. crush kc nya si Dennis Trillo. kaiba tlga nanay kono!

sasha said...

@mouse...
grabe naman yun! yan ba yung nabalita pa sa may Gilmore?

@TiKey...
cool ni nanay ah! at si Dennis Trillo ha.. i'm all out of love ba ang drama? hehe

si Piolo?? yummy sya! nyahahah

ghee said...

yep,they have their own right to love and to be loved :)

ang ganda na ni Rustom ngayon,mas maganda pa sa babae :)

Momel said...

Rustom is having the time of his life, noh?

Cheers! :)

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile