Aug 4, 2006

Gabi ni Sasha ;-)

Dear Mommy,

28 na po ako!  3 years na lang wala na ako sa kalendaryo. Yay!  Ang bilis ng panahon!  Parang kailan lang naalala ko pa 'yung mga birthday parties ko.  Laging umuulan.  Nagkakaiba lang sa lakas ng hangin. Nyehehe :)

Kahapon, nagulat ako kasi hindi umulan!  Napakaganda ng sikat ng araw nang ako'y umalis ng bahay upang pumasok sa opisina.  Natawa nga rin si Daddy kasi for the first time daw, umaraw!  Pagdating ko dito sa may Insular, bumili ako ng tall latte sa Starbucks at 'yung corned beef pandesal nila.  Gutom na kasi at na-late ng gising, as usual.  Inuuwi ko kasi 'yung tinatapos kong 2007 budget ng 2 companies na hawak ko.  Mabuti na nga lang po at nakabili ako kasi di ako nakapag-lunch!  2pm kasi meeting kahapon tapos di ko pa tapos 'yung 1 company 12noon na.  Sumakit na naman nga po nang grabe ang ulo ko.  Pano ba naman kasi, 5:45pm na natapos meeting namin.  Nakauwi ako ng bahay 7pm na kaya sobra na gutom ko!

Pinagluto ako ni Te Mates ng pancit.  Binilan din ako nina Meng, Grash at Daddy ng cake at Mang Bok's chicken (bagong favorite ko, hehe).  Si Bebe naman regalo sa akin 1 gallon ng ice cream.  Yey!  Saya!  Pagdating ni Vi at Alex, may dala naman softdrinks kaya kumpleto!  Kaw lang ang wala, 'my.  Saka si Willyboy.  Tuwang-tuwa ka siguro kung nakita mo mga handa ko.  Sa ganyan ka pa naman natutuwa, 'my.  Iyong maraming pagkain.  Na-miss ka namin sobra!

Niregaluhan po ako ni Meng ng bag saka pouches.  Natuwa ako kasi gusto ko na palitan bag ko.  Si Grash naman pabango.  Si Vi mayang gabi pa, make-up naman.

Ang daming bumati sa akin.  Si ate Ann, ate Neng, Jo, pretty Devilicious, TK, Karen, Jonnazel, B1 at B2, Chikai, Aryan, Nona, Paeng at Rho.

Binati rin ako nina Julie, Len-len, Mhor, Ta Wilma, Ta Windy, To Walter, bespren May, Vanj, Che at mga officemates ko, Shen, Myra, Jing, Tim, Lem at si momee Myla.  Pati si Anne binati ako.  Naisip ko nga 'my, eto na naman ako at lumambot na naman ang puso.  Di ba inaway po ako niyang si Anne.  Kahapon nung binati niya ako, natuwa ako.  I'm wary of her na pero mas okay sa aking lang kaaway.  Lam niyo naman po 'yun. :)

Okay, Mommy, mahaba na ang aking sulat sa inyo.  Lam ko nandyan ka lang lagi, nakaalalay sa akin... sa amin.  Sana maayos ka na sa piling ni God!

Miss you po!  Love you!

Ang anak mong pretty,
Sasha


P.S. I'm blogging thru email now.  Will bloghop tonight.  Ciao! :-)

11 comments:

ralphT said...

aaaaawwww..... i'm sure that she's happy with God. :)

happy birthday! :)

rex said...

hehe, well im sure your Mommy is happy for you.. Belated Happy Birthday! :)

Jigs said...

Hi Sasha! Sorry hindi kita nagreet sa exact day of your birthday. Dito nalang!

HAPPY BIRTHDAY TO YOU MY GOOD BLOG FRIEND SASHA!!!! :)

tekla said...

i know mas masaya si mommy mo ngayun khit hindi nyo ksama sa celebration.
sine-celebrate nmn nya yung bday mo with GOD :)

jOnNaZeL said...

tingin ko ate sasha masaya mom mo ngayon belated happy birthday ulet!

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

sweet naman kahit may halong lungkot :)

viel glück (good luck)!

nlz...... said...

kakatouch naman...nalungkot tuloy ako...nanay ko nasa piling na rin ni God....anyway, I'm sure okay na sila du'n(singhot)

Ann said...

Kakalungkot...pero sabi mo nga mas happy ka kung asan man sya ngayon kaysa nakikita mo syang nahihirapan.

sasha said...

salamat sa inyong lahat! ;) i truly appreciate all the comments. masaya ako kahit may konting lungkot. di maiwasang di ma-miss si mother e! pero oks lang naman. carry pa! :-)

tutubing_karayom said...

Uy extra pala ko rine! Oks lang yan Sasha! Masaya nman ang iyong Mama kasama si pap God at least nababantayan ka nya at wala kang kawala.. hhahah! alam din nyang nag ba blog ka kaya masaya tlga sya dahil nakilala mo kami! heheh!

Next time na ang gift.. its better late than nothing! bwahahha!

KaDyo said...

Sabi nga huli man daw at magaling huli pa ren hehehe...belated happy birthday sa iyo, may you have many many many more birthdays to come..God bless

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile