Aug 8, 2006

Certified Blog Addict!

Nakakatuwa sobra! Nagsimula kasi ako mag-blog para lang sa aking sarili. Diary baga. Mahirap magtago ng diary e (yung sinusulat pa gamit violet ballpen, hehe) kaya nang malaman kong may mga online diaries na, tinignan ko kung paano. At eto na nga…

Nagsimula ako sa Bravenet noong 2002. Nagsimula sa isang simpleng layout hanggang sa natutong maglagay ng images… ibahin ang background, header, links, etc. Sa kamalasan, kinitil ko ang buhay ng aking blog na iyon dahil nahuli ng boss ko! Wala ang pangalan niya dun pero syempre, obvious. Marami kasi ako dung entries na tungkol sa pagiging bratinella niya! Di ba, Devilicious? Hehehe

No regrets! Sa ganun naman talaga nararamdaman ko e. Ang kaso mo, ayaw ko na ng may evidence pa (bwahaha) kaya I pressed the delete button. *sob* *sob*

Gumawa uli ako ng isa pang Bravenet account na buhay pa hanggang ngayon pero di ko na ina-update. Balak ko na rin siyang i-delete one of these days. May kakaiba kasi akong ugali na kapag part ng pangit na past ko, parang gusto ko ma-eliminate lahat ng connected dun :( Pumili ako between Livejournal and Blogspot. Nanalo ang huli! Gumawa ako ng Blogger account kasi napakarami kong blogger templates na nagustuhan at di ko magamit (syempre) sa Bravenet. At nabuhay si Sasha.

Natutuwa ako at marami agad akong naging blog-friends. Ang titser ng bayan na si Ma'am Tekla, Happy Heart Karen, Rex, ate Ghee, ate Ann, my good blog friend Jigs, Janpol, at si ate Neng. Tapos nadagdagan pa! Saya!

Mababaw pa naman ang kaligayahan ko. Isang tag, comment, hi o hello o kumusta, natutuwa na ako! Tapos kung dati'y madalas dumaan, tapos dumalang, nami-miss ko na agad 'yung mga yun. Kaya nga sobrang natuwa ako sa mga bumati sa akin. Sa mga madalas dumalaw dito sa blog ni Sasha, maraming salamat! You make my days more fun!

Primary reason ko ng pagba-blog ay para may paglagyan 'yung sandamak na laman ng isip ko. Ngayon, pantanggal na rin ng stress at init ng ulo. Tapos naadik na. Kaya eto! Kung pwede lang every break mag-post ako, ginawa ko na! At salamat dahil merong blogging through email kaya eto, pwedeng makapagpost kahit di buksan ang blogger :)

Ako po si Sasha, isang certified blog addict!!!

10 comments:

tekla said...

mmmm, hindi pa naman obyus na adik ka sa blog. pero wait chek ko nga! ilang template na ba ang ngamit mo, lagi bago ang skins at sidebar, almost everyday merong update at may reply ka lahat ng nsa tagboard tas always present sa bahay ng mga logkada nyahahaha...adik ka nga sasha tulad ko!

sasha said...

hahaha

guilty!

:-O

tutubing_karayom said...

Ang mga hindi blog addict eh walang karapatang mag blog, pero ang mga blog fanatic at blog addict eh karapat dapat na mag blog... nasungkit mo? magulo eh!

KaDyo said...

adik adik hehehe welcome to the club hehehe.
wow men hnahilo ako tk sa sinabi mo ..ano ulit yun

nlz...... said...

hi sashing...(ok lng ba?) same here, dati pa ako nagdadiary...since school days pa kaso lagi ako nabubuking ng sis ko nababasa nla...huli ako lagi ha haa, nakikipagdate at nagka-cutting class bwa ha ha...kya eto,nagblog nrn...btw, cge oks lng link mo 'ko...have a nice day!

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

delikado, ala ng gamot jan! :D

naranasan mo na ba na kahit sa paniginip blog pa rin ang starring? heheh

sasha said...

TK, parang pareho kami ni fafa KD na naguluhan, hehe ;)

Oks lang sashing tawag mo sa akin nona ;) Naku, ako rin ganyan sa diary dati. Kaya mahirap na, hehe, blog na lang!

Naku, ate Neng, mismo! Kahit nasan ako, pag may nakita, isipin ko agad na "isulat ko nga 'to sa blog ko!". As in ganyan lagi.

Hirap na ngang gamutin nito! Teka, gusto ko bang gumaling?! hehe Yaw e!

masterbetong said...

ako hindi adik! :P

tutubing_karayom said...

Mang KD at Sasha ganito yan.... hmmmmnnn... ayan gets na? bwahahah..

Rachel said...

helo sis. nakuh ako din ganyan noon kung saan saan napadpad bago tumigil sa isang lungga, ang hirap mag-adjuct nung una lalo na s WP. mahilig din ako magsulat noon may 4 na diaries nga ako nung bata ako. buti na lang tlaga may online diary. tama ka don masarap magkaroon ng online friends kasi kahit di kayo nagkikita para pa din kayong magkaibigan.

About Me

My Photo
Miss Blogger
I am Sasha. Blogger, first and foremost. I'm not much of a social creature but I treasure the few people I connect with. I am an accountant by profession, and an addicted blogger. Blogging makes me happy and it's my therapy. I love sunshine, bright lights, lavender, coffee. And books!
View my complete profile