Instruction:
Ayan... Ako'y nakagat, este, tinag ni TiKey kasi kaya sige at makagawa na nga ng listahan. Hehehe... Hulaan nyo ha!
- Meron akong alagang pusa na ang pangalan ay Timmie. - NOT!
- Gustung-gusto ko ang mga Adam Sandler movies lalo na ang Big Daddy.
- I am a big fan of Coldplay and Third Eye Blind and Lifehouse.
- Minsan na akong nakatulog sa daan sa sobrang kalasingan! Pumunta ng Edsa imbes na sa amin. - NOT!
- Hate na hate ko ang maarawan. - NOT!
- Pangarap ko ang malibot ang buong China at Japan.
- Iyakin ako.
- Madalas kong kausapin ang sarili ko mag-isa, lalo na at umandar pagiging taklesa ko at gusto kong putulin dila ko.
- Si daddy ay half-Chinese.
- Mahilig ako sa strawberries. - NOT!
- Gusto kong magpa-tattoo sa aking left hip ng dragon.
- Hindi ako marunong mamalengke.
- Nagbabasa ako bago matulog at tuwing nagigising sa madaling-araw.
- Hate ko ang maingay na lugar. - NOT!
- Adik ako sa blogging!
Wala po akong alagang pusa dahil ayaw ko sa pusa! Naku-kyutan lamang ako sa kanila. Si Timmie po ay aking kaibigan na mahilig sa pusa :)
Yes, I love Adam Sandler! Even if others think his comedy is stupid.
I am! Yung nagalaw sa header ko, yung previous one, Everything by Lifehouse... ngaun naman, Jumper by Third Eye Blind.
Never pang nangyari sa akin ito kasi mataas po ang tolerance ko sa alcohol. Alam ni Kuya yan! Hehehe! Yung bespren kong si Derek ang nakatulog sa Recto sa sobrang kalasingan! Hahaha!
Love na love ko po ang maarawan dahil deprived kami nung mga bata pa. Ayaw kasi ng mom ko na naarawan kami at baka raw masunog ang skin. Maarte si mommy e! :) Okay lang naman sa aking maarawan kasi di naman ako mabilis umitim ^_^
Alam ni Ate Ghee na OO ang sagot dito. Hehehe!
Joyjoy, believe it or not, iyakin ako! Huhuhu! Nakwento ko nga kay sis Nona na ako'y umiyak ng gatimba when I read Suzanne's Diary for Nicholas. At minsan, kahit drama sa TV, naiiyak din! Hahaha
Yep, yep! Alam nga ni Ate Melai kung gaano ako kataklesa! Nyahahah
Kaya po kami mapuputi dahil my dad's mom is Chinese. Tanzon po ang middle name ng dad ko. Now, you know why I say shobe a lot!
Yuuuckkk!
Yeessss!!!
Nung bata ako, mahilig ako sumama sa palengke sa lola ko. Minsan, nautusan ako bumili mag-isa. Hinabol ako ng 3 lalaki at tinatawag akong glow in the dark! Ayun, hindi na ako bumalik sa palengke! Once a year na lang ako pumupunta run, pag Christmas Eve.
Habit ko na ito. Kung hindi ko 'to gagawin, parang may kulang. Kung yung ibang girls may ritual bago matulog, ito ang ritual ko.
Weird pero I can focus and think really well in noisy places. When I was reviewing at PSBA Manila for the CPA Board, sobrang ingay ng library nila but dun ako nakakapag-review ng maayos! (Kung merong taga-PSBA Manila dito, you know what I'm talking about)
Need I say more?!?
Ayan na po ang mga kasagutan. Ito ang mga nakasagot ng 3 out of 5: Tina, TiKey, Mr. Tuesday aka CJ, Rina, Ate Ghee and KuyaAce.
Salamat sa mga nakihula! ^_^ HAPPY HALLOWEEN, EVERYONE!
O ayan na... hulaan niyo kung ano yung 5 na hindi totoo sa mga sinabi ko ha. Ang makakasagot ng tama may kiss sa akin! Hahaha... joke! Hala sige, hula na! Ang mga sagot sa susunod kong post.
(^.^)
Originally posted on 10.29.06 at 12:36AM


